Wil Dasovich, nagkaaberya sa pag-akyat sa pinakamataas na outdoor climbing wall

Wil Dasovich, nagkaaberya sa pag-akyat sa pinakamataas na outdoor climbing wall

- Nakuhanan ni Wil Dasovich ng video ang aniya'y kanyang "biggest fear turned reality"

- Nasa kalagitnaan sila ng pag-akyat sa pinakamataas na outdoor climbing wall nang magkaroon ng aberya

- Maging ang kanilang guide na halatang nataranta ay sinabing hindi niya pa ito dinanas sa 30 taon niya bilang guide

- Nalagpasan naman ni Wil at ng kaibigan niya ang kinaharap na pagsubok sa pag-akyat sa climbing wall

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Wil Dasovich na "biggest fear turned reality" umano para sa kanya ang nangyari na aberya sa kalagitnaan ng pag-akyat niya sa pinakamataas na outdoor climbing wall. Maging ang kanilang guide ay halatang matindi ang naging emosyon habang tinutulungan niya si Wil at ang kasama nito.

Wil Dasovich, nagkaaberya sa pag-akyat sa pinakamataas na outdoor climbing wall
Wil Dasovich, nagkaaberya sa pag-akyat sa pinakamataas na outdoor climbing wall (@wil_dasovich)
Source: Instagram
Our biggest fear turned reality - Stuck in the middle of the highest outdoor climbing wall in the world roughly 60 meters high.

Read also

Regine Velasquez, inaming hindi na kaya ang pagbirit niya sa isang concert niya noong 2003

Aniya, napapaisip siyang mas maigi na hindi nila naiintindihan ang sinasabi ng kanilang guide na ayon sa ilang netizens ay napamura umano.

Part of me wonders if it is better that we didn’t know what he is saying.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Wil Dasovich ay isang Filipino-American television personality, model, at vlogger. Nakilala siyang isa sa pinakaunang gumagawa ng YouTube video at naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother.

Sa kanyang naunang ibinahaging video, nagkita nang personal sina Wil at Nuseir Yassin o mas kilala bilang si Nas Daily. Ito ang kanilang unang pagkikita matapos ang kontrobersiyal na podcast ni Nas kamakailan kung saan tinawag niyang dormant news channel si Wil. Sa kanilang pag-uusap, nilinaw ni Nas na simpleng pag-uusap lamang nila iyon at ikinagulat niya ang naging reaksiyon ng publiko kaugnay sa kanilang pag-uusap. Nilinaw din ni Wil na sadyang ganoon lamang ang kanilang biruan.

Samantala, binahagi ni Wil ang video ng kanyang pagpapakilala sa rumored gf niyang si Carla Humphries sa kanyang pamilya. Nauna na niyang naipakilala si Carla sa kanyang kapatid na si Haley Dasovich at base sa kanyang reaksiyon ay masaya ito na makilala si Carla. Ayon kay Carla, kahit unang beses pa lang niyang nakita sa personal ang pamilya ni Wil ay pakiramdam umano niya na matagal na silang magkakakilala. Masaya namang tinanggap ng mga magulang ni Wil si Carla na nakita umano nila sa mga naunang vlog ng anak

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel