Andrea Brillantes, sinabing edited ang post kung saan ni-like daw ni Ricci ang IG story ng isang babae

Andrea Brillantes, sinabing edited ang post kung saan ni-like daw ni Ricci ang IG story ng isang babae

- Ayon kay Andrea Brillantes, isang hindi magandang bagay tungkol sa relasyon na bukas sa publiko ay mas madali silang masiraan

- Nabanggit nito ang tungkol sa nag-viral na post ng isang babae na nagpapakita ng umano'y pag like ni Ricci Rivero sa picture niya

- Ani Andrea, edited daw ang post na ito ng babae at pabiro niyang sinabi na sinapak na daw niya si Ricci kung totoo yun

- Matatandaang nag-viral sa TikTok ang post na ito kung saan pinakita ang screenshot ng umano'y pag-like ni Ricci sa IG story ng isang babae

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa vlog ni Andrea Brillantes, tahasan niyang sinabi na edited umano ang pinost ng isang babae na nagsabing ni-like ni Ricci Rivero ang IG story niya na nakasuot ng swim wear. Isa lamang umano ito sa negatibong bagay sa pagkakaroon ng relasyon na bukas sa publiko.

Read also

Ricci Rivero, inaming si Andrea Brillantes umano ang nag-"first move"

Andrea Brillantes, sinabing edited ang post ng isang babae na ni-like umano ni Ricci Rivero
Andrea Brillantes, sinabing edited ang post ng isang babae na ni-like umano ni Ricci Rivero (@blythe)
Source: Instagram

Pag private ay mahirap daw ayon kay Andrea dahil kailangang magtago. Sa kasalukuyan ay masaya umano sila dahil nakakapag-date sila at ayos lang kahit makita sila ng mga tao.

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel