Ricci Rivero, inaming si Andrea Brillantes umano ang nag-"first move"

Ricci Rivero, inaming si Andrea Brillantes umano ang nag-"first move"

- Ayon kay Ricci Rivero, si Andrea Brillantes ang gumawa ng first move sa relasyon nila

- Gayunpaman, dati pa umanong nag-message si Ricci kay Andrea noong panahong nasa "Kadenang Ginto" pa si Andrea

- Matapos umano nilang magkita sa isang bar sa BGC ay si Andrea ang unang nag-follow kay Ricci

- Nabanggit din nilang napag-usapan na lamang nila na parehas nilang gusto ang isa't-isa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa vlog ni Andrea Brillantes, naitanong sa kanila ni Ricci Rivero kung sino daw ang nag-first move sa kanilang dalawa. Ayon kay Ricci, si Andrea ang gumawa ng first move sa relasyon nila na hindi naman kinontra ni Andrea.

Ricci Rivero, binuking na si Andrea Brillantes ang nag-"first move"
Ricci Rivero, binuking na si Andrea Brillantes ang nag-"first move" (@blythe)
Source: Instagram

Pagkatapos ng kanilang pagkikita sa isang bar, si Andrea umano ang unang nag-follow kay Ricci. Bago pa ito ay nakapag follow na umano sila sa isa't-isa noon pero nag unfollow lang din sila.

Read also

Andrea Brillantes, sinabing edited ang post kung saan ni-like daw ni Ricci ang IG story ng isang babae

Hindi din umano nag-confess si Ricci na gusto niya si Andrea dahil napag-usapan na lamang nila na parehas umano nilang gusto ang isa't-isa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea kaugnay sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel