Kris Bernal, masayang natupad ang kanyang dream collab kay Alex Gonzaga

Kris Bernal, masayang natupad ang kanyang dream collab kay Alex Gonzaga

- Ayon kay Kris Bernal, dream collab para sa kanya na makasama si Alex Gonzaga sa kanyang vlog

- Kaya naman, nang mag-guest siya sa Tropang Lol, hindi niya pinalagpas na kausapin si Alex kung papayag ito sa kanyang bag raid

- Pumayag naman si Alex at habang nag-uusap ay napagtanto nilang dalawa na parehas ang kanilang mga asawa

- Parehas umano ang mga ito na simple lang at walang arte at ayaw nila hangga't maari na namimili ng mamahaling gamit ang kanilang mga asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi pinalampas ni Kris Bernal ang pagkakataon na makasama sa kanyang vlog si Alex Gonzaga. Kaya naman, nang mag-guest siya sa Tropang Lol, hindi niya pinalagpas na kausapin si Alex kung papayag ito sa kanyang bag raid.

Kris Bernal, masayang natupad ang kanyang dream collab kay Alex Gonzaga
Kris Bernal, masayang natupad ang kanyang dream collab kay Alex Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Agad namang pumayag si Alex. Sa kanilang pag-uusap ay napagtanto nilang dalawa na parehas ang kanilang mga asawa. Parehas umano ang mga ito na simple lang at walang arte at ayaw nila hangga't maari na namimili ng mamahaling gamit ang kanilang mga asawa.

Read also

Bernadette Sembrano sa pangangalakal na ginagawa ng mister; "I like doing it"

Dahil dito ay nagbiro pa si Alex kung may Viber group daw ba ang kanilang mga mister.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na umano ay nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Kamakailan ay pinakita ni Alex ang naging date nila ng kanyang asawang si Mikee Morada matapos siya nitong sunduin mula sa trabaho. Dinala siya ni Mikee sa isang paresan kung saan makikitang na-enjoy ng mag-asawa ang kanilang pagkain. Nakipagkulitan din si Alex hindi lamang sa mga staff ng kainan kundi maging sa mga customer na kumakain kasabay nila. Matapos silang ilibre ng may-ari ng kainan, nagpasya silang ilibre na lang ang mga kasabayang customer.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel