Alex Gonzaga, pinakita ang kanilang simpleng date ni Mikee Morada

Alex Gonzaga, pinakita ang kanilang simpleng date ni Mikee Morada

- Pinakita ni Alex Gonzaga ang naging date nila ng kanyang asawang si Mikee Morada matapos siya nitong sunduin mula sa trabaho

- Dinala siya ni Mikee sa isang paresan kung saan makikitang na-enjoy ng mag-asawa ang kanilang pagkain

- Nakipagkulitan din si Alex hindi lamang sa mga staff ng kainan kundi maging sa mga customer na kumakain kasabay nila

- Matapos silang ilibre ng may-ari ng kainan, nagpasya silang ilibre na lang ang mga kasabayang customer

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Alex Gonzaga ang kanilang simpleng date ng kanyang asawang si Mikee Morada. Dinala siya ni Mikee sa isang paresan matapos siya nitong sunduin sa trabaho nito sa Tropang Lol.

Alex Gonzaga, pinakita ang kanilang simpleng date ni Mikee Morada
Alex Gonzaga, pinakita ang kanilang simpleng date ni Mikee Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Nakipagkulitan din si Alex hindi lamang sa mga staff ng kainan kundi maging sa mga customer na kumakain kasabay nila. Matapos silang ilibre ng may-ari ng kainan, nagpasya silang ilibre na lang ang mga kasabayang customer.

Read also

Mikee Morada, humingi ng dispensa sa pag-absent ni Alex Gonzaga sa Tropang Lol

Hirit pa ni Alex, "It's not where your date is but who your date is."

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Alex ang kauna-unahang guest ni Yassi Pressman sa kanyang CAReoke sa kanyang YouTube channel. Habang nasa loob ng sasakyan ay kinanta ng dalawa ang mga awitin ni Alex kabilang na ang sikat na sikat na Chambe. Naibahagi ni Alex kung paano nabuo ang kanta na nagmula sa pagtawag nila ng chambe sa kanyang pamangking si Seve Soriano. Marami naman ang naaliw sa pagiging energetic ng dalawa dahil hindi din nagpahuli si Yassi sa kakulitan ni Alex.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na umano ay nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel