Mikee Morada, humingi ng dispensa sa pag-absent ni Alex Gonzaga sa Tropang Lol

Mikee Morada, humingi ng dispensa sa pag-absent ni Alex Gonzaga sa Tropang Lol

- Sa bagong vlog ni Alex Gonzaga, pinakita niya ang pagsundo sa kanya ng asawang si Mikee Morada

- Dito ay naipaliwanag ni Mikee ang dahilan kung bakit wala si Alex sa unang araw ng pag-live ng Tropang Lol

- Nagka-COVID umano siya at inalagaan siya ni Alex kaya hindi ito nakadalo sa unang araw ng pag-back-to-back airing ng Tropang Lol at It's Showtime

- Matatandaang dahil sa kanyang pag-absent ay lumabas ang espikulasyong nag-resign umano si Alex

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Humingi ng dispensa si Mikee Morada sa mga viewers ng Tropang Lol dahil siya umano ang dahilang kung bakit absent si Alex Gonzaga. Matatandaang dahil sa kanyang pag-absent ay lumabas ang espikulasyong nag-resign umano si Alex.

Mikee Morada, humingi ng dispensa sa pag-absent ni Alex Gonzaga sa Tropang Lol
Mikee Morada, humingi ng dispensa sa pag-absent ni Alex Gonzaga sa Tropang Lol (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Paliwanag ni Mikee, naka-isolate din si Alex dahil nagka COVID siya at si Alex ang nag-alaga sa kanya. Para umano makabawi kay Alex, minabuti ni Mikee na sunduin ang misis sa kanyang trabaho.

Read also

Yassi Pressman, nagbahagi ng mga pictures kasama si Jon Semira

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Alex ang kauna-unahang guest ni Yassi Pressman sa kanyang CAReoke sa kanyang YouTube channel. Habang nasa loob ng sasakyan ay kinanta ng dalawa ang mga awitin ni Alex kabilang na ang sikat na sikat na Chambe. Naibahagi ni Alex kung paano nabuo ang kanta na nagmula sa pagtawag nila ng chambe sa kanyang pamangking si Seve Soriano. Marami naman ang naaliw sa pagiging energetic ng dalawa dahil hindi din nagpahuli si Yassi sa kakulitan ni Alex.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na umano ay nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel