Yassi Pressman, nagbahagi ng mga pictures kasama si Jon Semira

Yassi Pressman, nagbahagi ng mga pictures kasama si Jon Semira

- Muling nagbahagi si Yassi Pressman ng pictures kasama ang napapabalitang boyfriend niyang si Jon Semira

- Sa kanyang mga panibagong post ay binahagi niya ang pictures nila na kuha sa kanilang biyahe sa iba't-ibang lugar

- Sa caption ay sinabi ni Yassi na "fun" para sa kanya ang makita ang iba't-ibang panig ng mundo

- Matatandaang unang nag-post si Yassi ng kanyang mensahe para kay Jon sa kaarawan nito kamakailan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinandera ni Yassi Pressman ang mga pictures niya kasama ang rumored boyfriend niyang si Jon Semira. Sa kanyang mga panibagong post ay binahagi niya ang pictures nila na kuha sa kanilang biyahe sa iba't-ibang lugar.

Yassi Pressman, nagbahagi ng mga pictures kasama si Jon Semira
Yassi Pressman, nagbahagi ng mga pictures kasama si Jon Semira (@yassipressman)
Source: Instagram
Seeing the world witchuuuu is fuuuun @imjonnytsunami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Alex Gonzaga, umiwas sa tanong ni Bayani Agbayani kung totoong pinipirata siya

Sa isa pang post ay binahagi naman ni Yassi ang picture nila na kuha sa Paris, France.

Matatandaand sa unang pagkakataon ay nagbahagi ng kanyang birthday message si Yassi para sa kanyang napapabalitang boyfriend na sinasabing ang Filipino-Canadian basketball player na si Jon Semira. Nag-post si Yassi kung saan makikitang hinahalikan niya sa pisngi ang boyfriend.

Si Yassi Pressman o Yasmin Isabel Yasto Pressman sa totoong buhay ay isang Filipino-British model, actress, television personality, singer, at dancer. Matatandaang naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano kung saan gumanap siyang Alyana Arevalo, ang asawa ni Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco Martin.

Sa ibinahaging video ng content creator na si Rob Moya, makikita ang kanyang pakikipag-usap kay Yassi. Ito ay nang isa si Rob sa mga guest sa game show kung saan si Yassi ang host na napapanood sa TV5. Aminado si Rob na crush niya si Yassi at alam niya umanong imposibleng maging boyfriend siya nito pero tinanong niya ang aktres kung siya ba ang tipo ng lalaki na papayagan ni Yassi na manligaw sa kanya.

Read also

Xian Gaza, sinagot ang pahayag ni Ella Cruz: "Ako sinaktan mo Ella"

Samantala si Alex Gonzaga ang kauna-unahang guest ni Yassi sa kanyang CAReoke sa kanyang YouTube channel. Sa naturang video ay naibahagi ni Alex kung paano nabuo ang kanta na nagmula sa pagtawag nila ng chambe sa kanyang pamangking si Seve Soriano. Marami naman ang naaliw sa pagiging energetic ng dalawa dahil hindi din nagpahuli si Yassi sa kakulitan ni Alex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel