Alex Gonzaga, umiwas sa tanong ni Bayani Agbayani kung totoong pinipirata siya

Alex Gonzaga, umiwas sa tanong ni Bayani Agbayani kung totoong pinipirata siya

- Hindi sinagot ni Alex Gonzaga ang pangungulit ng kanyang co-hosts sa Tropang Lol noong July 22, 2022 episode ng naturang show

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa kanilang segment na Maritest kung saan ang kanilang guest ay ang vlogger na si Toni Fowler, naitanong ang tungkol sa intrigang nag-resign umano siya

- Nabanggit pa ni Bayani Agabayani kung totoo bang mayroong namimirata kay Alex

- Imbes na sagutin ay pabirong iniwasan ni Alex ang mga katanungan

Hindi sinagot ni Alex Gonzaga ang katanungan ng kanyang mga kasamahan kung totoo bang mag-reresign na siya. Naitanong din ni Bayani Agabayani kung totoo bang mayroong namimirata kay Alex.

Alex Gonzaga, umiwas sa tanong ni Bayani Agbayani kung totoong pinipirata siya
Alex Gonzaga, umiwas sa tanong ni Bayani Agbayani kung totoong pinipirata siya (@cathygonzaga)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Noong July 22, 2022, si Toni Fowler ang naglaro sa Maritest segment ng Tropang Lol. Isa sa mga naitanong ay kung sino daw sa hosts ng Tropang Lol ang napababalitang nag-resign na raw sa show. Imbes na sagutin ay pabirong iniwasan ni Alex ang mga katanungan sa kanya.

Read also

Ella Cruz, hindi napigilang umiyak sa panayam sa kanya ni Boy Abunda

Matatandaang sa mga naunang episode, idinaan ni Alex sa pagbibiro ang kanyang tugon sa lumabas na balitang nag-resign umano siya sa programang 'Tropang Lol'. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign."

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Si Alex ang kauna-unahang guest ni Yassi Pressman sa kanyang CAReoke sa kanyang YouTube channel. Habang nasa loob ng sasakyan ay kinanta ng dalawa ang mga awitin ni Alex kabilang na ang sikat na sikat na Chambe. Naibahagi ni Alex kung paano nabuo ang kanta na nagmula sa pagtawag nila ng chambe sa kanyang pamangking si Seve Soriano. Marami naman ang naaliw sa pagiging energetic ng dalawa dahil hindi din nagpahuli si Yassi sa kakulitan ni Alex.

Read also

Alex Gonzaga, nagbiro tungkol sa isyung nag-resign siya sa Tropang Lol

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na umano ay nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel