Alex Gonzaga, nagbiro tungkol sa isyung nag-resign siya sa Tropang Lol

Alex Gonzaga, nagbiro tungkol sa isyung nag-resign siya sa Tropang Lol

- Nagbiro si Alex Gonzaga tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol

- Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign"

- Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime'

- Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na umano ay nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Idinaan ni Alex Gonzaga sa pagbibiro ang kanyang tugon sa lumabas na balitang nag-resign umano siya sa programang 'Tropang Lol'. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign."

Alex Gonzaga, nagbiro tungkol sa isyung nag-resign siya sa Tropang Lol
Alex Gonzaga, nagbiro tungkol sa isyung nag-resign siya sa Tropang Lol (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Matatandaang lumabas ang balitang ito nang hindi pumasok si Alex noong Sabado kung kailan inere ang unang araw ng back-to-back airing ng Tropang Lol at It's Showtime.

Nabanggit din ni Cristy Fermin sa kanyang programa ang tungkol sa umano'y pagre-resign ni Alex sa naturang show kahit may isang buwang commitment pa itong natitira.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Sa kanyang collaboration kasama si Small Laude, hindi pinalampas ni Alex ang pagkakataon na ma-prank ang kapwa niya vlogger. Pinalabas niyang namomroblema siya matapos siyang maloko sa pera na nagkakahalaga ng 80 milyong piso. Kahit medyo malaking halaga ang sinabi ni Alex na kanya sanang hihiramin, agad na kinausap ni Small ang kanyang asawa. Kilala si Small bilang isa sa mga YouTube content creator na may kaya sa buhay kahit bago pa sumikat sa vlogging.

Si Alex ang kauna-unahang guest ni Yassi Pressman sa kanyang CAReoke sa kanyang YouTube channel. Habang nasa loob ng sasakyan ay kinanta ng dalawa ang mga awitin ni Alex kabilang na ang sikat na sikat na Chambe. Naibahagi ni Alex kung paano nabuo ang kanta na nagmula sa pagtawag nila ng chambe sa kanyang pamangking si Seve Soriano. Marami naman ang naaliw sa pagiging energetic ng dalawa dahil hindi din nagpahuli si Yassi sa kakulitan ni Alex.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel