Gina Pareño, nilinaw ang pag-amin sa pagiging LGBT; "I’m all woman! Hello!"

Gina Pareño, nilinaw ang pag-amin sa pagiging LGBT; "I’m all woman! Hello!"

- Nilinaw ni Gina Pareño ang naging pahayag niya sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz

- Ito ay kaugnay sa umano'y pag-amin niyang isa siyang miyembro ng LGBT

- Aniya, hindi niya alam ang termino na ito subalit inamin niyang nakipagrelasyon siya sa isang babae

- Minahal niya raw ito ng tapat subalit hindi nangangahulugang 'tomboy' siya at maituturing pa rin niyang babaeng-babae siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binigyang linaw ni Gina Pareño ang mga nasabi niya sa interview sa kanya kamakailan ni Ogie Diaz.

Gina Pareño, nilinaw ang pag-amin sa pagiging LGBT; "I’m all woman! Hello!"
Photo: Gina Pareño
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na hindi umano alam ng beteranang aktres ang terminong LGBT, na nasabi niyang 'oo' nang matanong siya ni Ogie kung miyembro siya nito.

"Hindi ko alam ang mga LBM, LGU, LGBTQ na ‘yan... Mamatay man. Hindi ko alam 'yan. Hindi ako ipokrita," ang diretsang naging pahayag ni Gina sa panayam sa kanya ng PEP.

Subalit hindi niya itinanggi ang pakikipagrelasyon umano sa kapwa niya babae at dating artista na si Nenita Vidal na Milagros "Bong" Eraña sa totoong buhay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi pa raw umano alam ni Gina na artista dati ang naging kasintahan gayung isa itong dentista. Taong 1993 nang magsimula ang kanilang pagkakamabutihan na natapos lang nang pumanaw si Doc Bong.

"I’m all woman! Hello... First time ko na makipagrelasyon sa tomboy. Pero hindi ibig sabihin, tomboy rin ako o member ng LGBTQ," paglilinaw ni Gina.

Samantala, narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz mula sa YouTube channel nito:

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Maliban sa mga latest Showbiz Updates, nagbibigay inspirasyon naman ang interviews ni Ogie Diaz sa mga kilalang personalidad lalo na ang mga kwento ng kanilang buhay na talaga namang kapupulutan ng aral. Ilan sa mga nakapanayam niya kamakailan ay ang mag-asawang sina Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Naikwento ng mag-asawa ang labis nilang pasasalamat noong kasagsagan ng pandemya kung saan mas lalong lumakas ang kanilang mga food business.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel