Rosmar Tan, ibinida din ang kanyang version ng "before and after" pictures

Rosmar Tan, ibinida din ang kanyang version ng "before and after" pictures

- Binahagi ni Rosmar Tan ang kanyang before and after pictures bilang patunay na effective ang kanyang produkto

- Ito ay sa gitna ng patutsadahan nila ng kapwa niya CEO at social media influencer na si Madam Kilay

- Sinagot niya rin ang akusasyon na nagparetoke umano siya sa pamamagitan ng isang panibagong post

- Iginiit niyang produkto lamang niya ang ginagamit niya kaya ganun ang resulta sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa post ni Rosmar Tan, binahagi niya rin ang kanyang version ng "before and after" pictures bilang patunay sa pagiging epektibo ng kanyang binibentang produkto.

Rosmar Tan, ibinida din ang kanyang version ng "before and after" pictures
Rosmar Tan, ibinida din ang kanyang version ng "before and after" pictures (@rosmartan)
Source: Instagram

Sinagot niya rin ang mga akusasyong nagparetoke siya at iginiit na produkto lamang niya ang ginagamit niya kaya ganun ang resulta sa kanya.

Napagkamalan pang nag paret0ke! My pleasureee ganda ba? Alagang Rosmar's pr0ducts lang yan.

Sa isa pa niyang post ay sinabi niyang marami umano ang gustong magpabagsak sa kanya. Gayunpaman, natawa na lamang siya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Imagine ang daming gusto akong pabagsakin? pero still "Rosmar lang ang malakas"hahaha

Ito ay sa gitna ng patutsadaha nila ng kapwa niya CEO at social media influencer na si Madam Kilay. Inalmahan ni Rosmar ang akusasyong ginaya umano niya ang produkto ni Madam Kilay. Inalmahan din ni Madam Kilay ang akusasyong may utang umano siya sa manufacturer.

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang nag-viral si Rosemar dahil sa kanyang ipon challenge noong 2017. Kamakailan ay binahagi niya ang tungkol sa fake booking sa mga pagkain na pinadala sa kanyang address kaya binayaran na lamang nila ng kanyang karelasyon.

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pang-bu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pang-bu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel