Madam Kilay, ibinida ang kanyang before and after picture

Madam Kilay, ibinida ang kanyang before and after picture

- Ibinida ni Madam Kilay ang kanyang mga before and after pictures upang ipakita ang epekto ng kanyang beauty products na binebenta

- Aniya, matagal na niyang napatunayan ang kanyang produkto at 2020 pa lang umano ay malakas na sa market

- Wala itong binanggit na pangalan ngunit pinatutsadahan niya ang aniya'y taong nanloloko dahil payat naman daw talaga ito noon pa

- Si Madam Kilay ay isang social media influencer at vlogger na isa ding CEO ng kanyang mga binibentang beauty at skin care products

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Madam Kilay ang kanyang "before and after" pictures na aniya ay patunay sa pagiging epektibo ng kanyang produkto. Wala itong binanggit na pangalan ngunit pinatutsadahan niya ang aniya'y taong nanloloko dahil payat naman daw talaga ito noon pa.

Madam Kilay, ibinida ang kanyang before and after picture
Madam Kilay, ibinida ang kanyang before and after picture (facebook.com/MadamKilayyOfficial)
Source: Facebook
Matagal ko nang napatunayan ang Slimming K- by mksmetics product ko 2020 pa lang malakas na sa market wag mo igaya sa kakalabas mo Lang product tapos ikaw model na payat ka naman talaga niloloko MO tao gumamit ka NG sarili mong ingredients! Atleast ako May before and after na literal!

Read also

Rosmar Tan, ibinida din ang kanyang version ng "before and after" pictures

Madam Kilay, ibinida ang kanyang before and after picture
Madam Kilay, ibinida ang kanyang before and after picture (www.facebook.com/MadamKilayyOfficial)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bago ang kanyang post na ito ay naging usap-usapan ang mainit na sagutan nila ni Rosmar Tan, isa ding social media influencer at CEO na kagaya niya.

Si Madam Kilay o Jinky Anderson ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial. Ibinahagi niya rin ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay ibinahagi niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael. Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Matatandaang sa isang maikling video na kanyang binahagi sa social media, pinakita ni Madam Kilay kung gaano nagpasalamat ang mga bangkero sa Surigao. Ito ay matapos niyang abutan ang mga ito ng tig-5,000 dahil nahabag umano siya sa kalagayan ng mga ito. Napag-alaman ni Madam Kilay na P120 lang umano ang kita ng bangkero sa tatlong oras nitong byahe upang ihatid ang mga pasahero. Marami ang natuwa at lalong humanga kay Madam Kilay dahil sa kabila ng tagumpay nito ay hindi umano ito nakakalimot na ibahagi ang kanyang mga biyaya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel