Bangkero sa Surigao, naiyak matapos makatanggap ng biyaya mula kay Madam Kilay

Bangkero sa Surigao, naiyak matapos makatanggap ng biyaya mula kay Madam Kilay

- Sa isang maikling video na kanyang binahagi sa social media, pinakita ni Madam Kilay kung gaano nagpasalamat ang mga bangkero sa Surigao

- Ito ay matapos niyang abutan ang mga ito ng tig-5,000 dahil nahabag umano siya sa kalagayan ng mga ito

- Napag-alaman ni Madam Kilay na P120 lang umano ang kita ng bangkero sa tatlong oras nitong byahe upang ihatid ang mga pasahero

- Marami ang natuwa at lalong humanga kay Madam Kilay dahil sa kabila ng tagumpay nito ay hindi umano ito nakakalimot na ibahagi ang kanyang mga biyaya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilang maiyak ng isa sa anim na bangkerong binigyan ni Madam Kilay ng tig P5,000. Ito ay matapos niyang mapag-alamang P120 lang umano ang kinikita ng bangkero sa tatlong oras nitong byahe upang ihatid ang mga pasahero.

Read also

BF na nag-bike mula QC hanggang Bicol makasama lang ang mag-ina, sinurpresa ng RTIA

Bangkero sa Surigao, naiyak matapos makatanggap ng biyaya mula kay Madam Kilay
Madam Kilay (@madamkilay)
Source: Instagram

Ani Madam Kilay, hindi niya napigilang mahabag sa kalagayan ng mga bangkero sa Surigao. Kaya naman, binahaginan niya ang mga ito ng biyayang kanyang natanggap.

Nakakahabag ang mga bangkero dito sa surigao P120 Isang tao Lang ang sahod sa 3 Ora’s na paghatid at pag tour SA mga turista back and fort sa 3 isla depende pa sa panahon kung Walang bagyo!

Pinasalamatan niya ang mga bangkero at saludo umano siya sa mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mga tatay na bangkero SALUDO po ako SA Inyo. Godbless po sana mas marami pang turista ang mag punta jan. maraming salamat po SA pag assist sakin at SA family ko po.

Si Madam Kilay o Jinky Anderson ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial. Ibinahagi niya rin ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay ibinahagi niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.

Read also

Moi Bien Marcampo, muling binida ang kanilang pictures ni Piolo Pascual

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael.

Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel