Moi Bien Marcampo, muling binida ang kanilang pictures ni Piolo Pascual

Moi Bien Marcampo, muling binida ang kanilang pictures ni Piolo Pascual

- Sa kanyang Instagram post, muling pinakita ni Moi Bien Marcampo ang pictures nila ni Piolo Pascual

- Aniya, may mga maiinggit na naman sa kanya dahil sa kanyang mga pinost na pictures kasama si Papa P.

- Nagbiro pa ito na malapit na umabot sa 50 anyos ang aktor at sa kanyang pagbati sa kaarawan ni Piolo kamakailan nagbiro itong baka sila talaga ang nakatadhana kung single pa ito sa edad na 50

- Marami naman sa netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkaaliw sa pagiging malapit ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling kinaaliwan ang post ni Moi Bien Marcampo kasama ang tinaguriang The Ultimate Heartthrob ng Pinas na si Piolo Pascual. Marami naman sa netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkaaliw sa pagiging malapit ng dalawa.

Moi Bien Marcampo, muling binida ang kanilang pictures ni Piolo Pascual
Piolo Pascual during a photo session of "In Times of the Devil" in Germany, Berlin, Berlinale, (Photo by Maurizio Gambarini/picture alliance)
Source: Getty Images

Sa kanyang post ay nagbiro si Moi kaugnay sa mga umano'y naiinggit sa kanya. Pinaalalahanan din nito si Piolo na malapit na siyang mag 50 anyos. Matatandaang sa kanyang pagbati sa kaarawan ni Piolo kamakailan nagbiro itong baka sila talaga ang nakatadhana kung single pa ito sa edad na 50.

Staycation lang daw kame haha uy! may naiinggit na naman dyan.. charot! ilang taon na lang.. lam na pag 50 kana ❤️ haha! padaan lang po sa mga pumaparty dyan

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Moi o mas kilala bilang si Yaya Moi ay naging PA ni Piolo kahit noong nagsisimula pa lamang ito sa kanyang showbiz career.

Kahit pa Personal Assistant lamang siya ay tila kapamilya narin ang turing ng aktor sa kanya. Madami na ring litrato nila ang binahagi ni Moi na talaga namang kinainggitan ng maraming netizens. Tinulungan din siya ni Piolo na matupad ang isa niyang pangarap.

Isa na siyang degree holder matapos siyang makapag enrol sa culinary class. Kinalaunan, nag-artista na rin ito at naging bahagi na rin ng maraming mga palabas at pelikula.

Si Piolo Pascual ay kilala bilang isa sa pinakahinahangaang leading man sa showbiz. Ilan sa mga naging kapareha niya sa pelikula at teleserye ay sina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Angel Locsin, Bea ALonzo, Toni Gonzaga at marami pang iba.

Matatandaang nag-donate si Piolo ng 200 na bike para sa bike drive ni Gretchen Ho. Nauna na ring ring naibahagi ni Piolo ang kanyang resthouse sa Batangas.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel