Ivana Alawi, humanga sa katapatan ng mga taga-Masbate na nagsauli ng kanilang cellphone

Ivana Alawi, humanga sa katapatan ng mga taga-Masbate na nagsauli ng kanilang cellphone

- Humanga si Ivana Alawi sa mga taga Masbate na nagsauli ng cellphone ng kanyang hair stylist

- Inakala ng stylist na siya ay na-prank o naibigay isa sa mga guide ang cellphone

- Nahulog at nakita pala ito sa buhangin at naisauli pa rin ito sa stylist

- Nasaksihan din nila na maisauli rin ang cellphone ng isa pang guest na nahulog sa kalsada at naibalik din sa may-ari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ikinuwento ni Ivana Alawi kung paano siya humanga sa katapatan ng mga taga Masbate.

Nalaman ng KAMI na naroon sila kamakailan para sa photo shoot ng kanyang upcoming teleserye.

Ivana Alawi, humanga sa katapatan ng mga taga-Masbate na nagsauli ng kanilang cellphone
Photo: Ivana Alawi
Source: Facebook

Habang ipinakikita nila ang masasarap na pagkain ng lugar, naibahagi rin ni Ivana kung gaano kabubuti ng mga tao roon.

Aniya, nawala umano ang cellphone ng hair stylist niyang si Ariane.

Read also

TikTok Star na kamukha raw ni Lee Dong-Wook, umaming gumagamit ng filter

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inakala pa raw nitong na-prank lamang siya at sa pagkakatanda'y naiabot sa isang guide ang callphone bago siya isama na mag-jet ski ni Ivana.

Iyon pala, nahulog na ito sa buhangin. Napulot ito at naibalik pa rin kay Ariane na labis nilang ikinatuwa.

"Kasi nawala talaga 'yung phone niya ta's ang bait ng mga taong taga dito sa Masbate kasi nakita pala nila sa buhangin ta's ibinalik pa rin nila"

Nabanggit din nila na may isa pang guest na nawalan ng cellphone sa kalsada at tulad nila, naibalik pa rin ito sa may-ari.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ivana Alawi YouTube channel:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Seth Fedelin, humiling na tigilan na ang mga pambabatikos sa kanyang kaibigan

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel