Ivana Alawi, naikwentong naging online seller siya noon ngayong CEO na siya ng sariling negosyo

Ivana Alawi, naikwentong naging online seller siya noon ngayong CEO na siya ng sariling negosyo

- Naikwento ni Ivana Alawi na minsan na rin siyang naging isang online seller

- Aniya, mga damit ang ibinibenta niya noon at ang kanyang ate Amira pa ang ginagawa niyang modelo

- Ngayong, may sarili nang skin care line si Ivana kung saan katuparan daw ito ng pangarap niyang magkaroon ng sariling skin care products

- Masaya niya itong inanunsyo sa kanyang YouTube channel at ginawa niya itong bukas sa mga resellers at distributors

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inspirasyon ang hatid ng kwento ni Ivana kung saan naibahagi niyang minsan na rin pala siyang naging online seller.

Nalaman ng KAMI na sa kanyang pinakabagong vlog, nagkaroon ng launching ng kanyang skin care line ang Ivana Skin.

Ivana Alawi, naikwentong naging online seller siya noon ngayong CEO na siya ng sariling negosyo
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Doon, nabanggit niyang bukas ang negosyo niyang ito para sa mga resellers at distributors. Ito ay dahil malalapit daw ang mga ito sa kanyang puso dahil naranasan niyang maging tulad ng mga ito.

Read also

Atty. Guanzon, ikinuwento ang naranasan sa ama kaya galit umano siya sa mga magnanakaw

"Meron akong kwento sa inyo na very very quick lang. So isa akong online seller dati. Naging malapit talaga sa puso ko ang mga online sellers. Nagbebenta ako ng mga damit, so I really wanted to open this business to other online sellers para mabigyan din ng chance na kumita,"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"I don't look at it as resellers or distributors, I call it part of the family, part kayo ng Ivana Skin family and you are a part of our family," pahayag ni Ivana.

Todo suporta rin sa kanya ang kanyang Alawi family na lahat umano ay sumubok sa produkto ni Ivana upang masiguro na maganda ang resulta ng mga ito.

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na halos 15 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Ivana Alawi, CEO na ng sarili niyang skin care line ang 'Ivana Skin'

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel