Ivana Alawi, nag-celebrate ng birthday sa sosyal na hotel na may halagang Php1 million per night

Ivana Alawi, nag-celebrate ng birthday sa sosyal na hotel na may halagang Php1 million per night

- Talagang bongga ang naging 25th birthday ni Ivana Alawi kung saan nagdiwang lang naman siya sa Okada Manila

- Tatlong kwarto ang pina-reserve ni Ivana para sa kanyang birthday celebration subalit nang salubungin sila roon, in-upgrade na pala ang kanilang kwarto

- At nang tanunging niya kung magkano ang halaga ng napakagandang villa na pinagamit sa kanila, tumataginting na Php1 milyong piso ito kada gabi

- Kaya naman nagbiro si Ivana na hindi raw tutulog ang kanyang pamilya at susulitin ang panantili sa kanilang villa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sosyal ang naging celebration ni Ivana Alawi para sa kanyang 25th birthday kamakailan.

Nalaman ng KAMI na nag-book ito ng rooms sa Okada Manila kasama ang kanyang buong pamilya gayundin ang kanyang mga manager at staff.

Tatlong kwarto ang orihinal na nai-book ni Ivana ngunit nang sila'y salubungin ng hotel attendant, sinabi nitong in-upgrade ng Okada ang kanilang tutuluyan.

Ivana Alawi, nag-celebrate ng birthday sa sosyal na hotel na may halagang Php1 million per night
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Isa na itong napakaganda at napakalawak na villa na mayroong ilang kwarto, sariling pool at may sariling chef na magluluto para sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Super enjoy naman din ang buong family niya sa enggrandeng staycation nila sa bonggang hotel.

At nang tanungin ni Ivana kung magkano ang halaga nito, tumataginting na 1 million pesos per night pala ang presyo ng pag-stay doon.

Kaya naman nagbiro agad si Ivana na wala umanong matutulog sa kanila para masulit ang pag-stay nila roon.

Narito ang kabuuan ng video mula sa kanyang YouTube channel:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 14 million ang kanyang YouTube subscribers.

Kamakailan, naging usap-usapan ang ilan sa mga vlogs ni Ivana na nagpapakita ng labis na pagmamahal at pagmamalasakit niya sa kanyang pamilya.

Tulad na lamang nang maikwento ni Ivana na nag-agaw buhay na umano ang kapatid na si Mona. Handa raw siyang gawin ang lahat, kahit na magkano, mapagaling lamang ang kapatid sa kondisyon nito.

Natuwa rin ang mga netizens sa challenge ni Ivana sa kanyang nanay kung saan niregaluhan niya ito ng isang milyong piso sa kanyang kaarawan.

Maging ang no cellphone challenge na inakala ng marami na basta challenge lamang, iyon pala pinalitan ni Ivana ng pinakabagong iPhone ang mga cellphone ng kanyang pamilya.

Matatandaang hindi rin natuloy ang kanyang teleserye noong 2020 na may pamagat nang "Ang Lihim ni Ligaya" sa takot na makapagdala siya ng COVID-19 sa kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel