Bela Padilla, umalma sa netizen na nagbanggit sa kanya tungkol sa pagkaka-lock sa CR

Bela Padilla, umalma sa netizen na nagbanggit sa kanya tungkol sa pagkaka-lock sa CR

- Hindi pinalampas ni Bela Padilla ang pagbanggit ng isang netizen sa kanyang panalan sa isang tweet

- Ang tweet ay tungkol sa pagkaka-lock umano ng isang netizen sa loob ng CR at wala itong dalang cellphone kaya hindi makapag-send ng message upang humingi ng tulong

- Sa reply ni Bela sa naturang tweet, tinanong nito ang netizen na nagbanggit ng pangalan niya kung sa tingin ba nito ay nakakatuwa siya

- Kasunod nito ay marami ang nag-search sa Twitter ng panglang Bela Padilla at Marian Rivera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging usap-usapan ang reaksiyon ni Bella Padilla sa pagbanggit ng isang Twitter user ng kanyang pangalan sa isang tweet. Ang tweet ay tungkol sa pagbabahagi ng isa pang netizen na aniya ay na-lock siya sa loob ng CR at naiwan niya ang kanyang cellphone kaya hindi siya makahingi ng tulong.

Read also

Konduktor ng bus, nag-shopping at kumain sa fast food sa kasagsagan ng traffic

Bela Padilla, umalma sa netizen na nagbanggit sa kanya tungkol sa pagkaka-lock sa CR
Bela Padilla (@bela)
Source: Instagram

Sa reply ni Bela sa naturang tweet, tinanong nito ang netizen na nagbanggit ng pangalan niya kung sa tingin ba nito ay nakakatuwa siya. Kasunod nito ay marami ang nag-search sa Twitter ng panglang Bela Padilla at Marian Rivera.

Matatandaang napabalita noon ang tungkol sa hindi pagkakaunawaan nina Bela at Marian. Gayunpaman, napagbati na sila ng management noon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, binigyang linaw ni Bela Padilla ang naibahagi niya kamakailan tungkol sa pananatili niya sa London, ilang buwan na ang nakararaan buhat nang magpandemya.

Nalaman ng KAMI na sa pamamagitan ng isang tweet, naikwento ni Bela na marami umanong nag-direct message sa kanya at nagtatanong kung bakit niya iniwan ang showbiz. Paglilinaw ni Bela, hindi niya sinabing "for good" na ang pananatili sa London. Katunayan, mayroon siyang pelikula na ipalalabas sa Pebrero 2022.

Read also

Sir Wil, todo suporta kay Madam Inutz: "Kahit tissue lang ulamin ko hanggang 2025"

Si Bela Padilla ay isang aktres. isa sa pinakahuling pelikulang kanyang nagawa ay ang “Miracle in Cell No. 7” na nanguna sa takilya noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019. Bukod sa pagiging aktres, nakilala din siya bilang mahusay na screenwriter.

Kagaya ng ilang mga personalidad, naging abala din si Bela sa pagbahagi ng tulong sa mga taong apektado ng pandemya. Ipinagtanggol niya rin ang ABS-CBN mula sa mga kritiko nito habang kinakaharap ng TV network ang suliranin tungkol sa franchise renewal.

Matatandaang noong nakaraang taon, hinangaan si Bella dahil sa pagtulong niya sa mga taong higit na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Isa rin si Bella sa dumepensa sa ABS-CBN kaugnay sa kinahaharap nitong franchise renewal crisis.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel