Ivana Alawi, napansing naluluha ang road manager dahil sa lugar ng photoshoot

Ivana Alawi, napansing naluluha ang road manager dahil sa lugar ng photoshoot

- Sa Birthday photoshoot ni Ivana Alawi, muli nilang binalikan ang location kung saan unang ginanap ang shoot para sa first cover ng magazine niya

- Paborito niya ang lokasyong iyon at habang ikinikwento niya ang tungkol dito, napansin niyang naluluha ang kanyang road manager

- Inalala kasi nito ang araw ng shoot kung saan hindi pa kilala si Ivana at halos wala pang pumapansin sa kanila

- Hindi rin nila inaasahang ngayon, isa na lamang iyong alaala gayung isa si Ivana sa mga kilalang YouTube Star at aktres sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa behind the scenes ng birthday photoshoot ni Ivana Alawi, ibinahagi niya ang kwento kung bakit napili niya ang The Cove sa Okada Manila.

Nalaman ng KAMI na doon kasi ginaganap ang pinakaunang photoshoot ni Ivana noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz para sa isang cover ng magazine.

Read also

Ogie Diaz, todo puri kay Joshua Garcia: "Napakahusay niyang umarte"

Habang binabalikan ni Ivana ang karanasang iyon, napansin niyang naluluha na ang kanyang road manager.

Ivana Alawi, napansing naluluha ang kanyang road manager sa location ng kanilang photoshoot
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

"Sabi ko gusto ko siya ulit balikan para makapag-pictorial ulit ako dito kasi nung time na yun, first cover as in. Starting pa lang ako as Ivana. Tingnan mo naiiyak ang aking rm kasi kasama siya no'n!" sabay turo ni Ivana sa kanyang road manager na hindi na napigilang umiyak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Kasi 'di ba that time, sino ba si Ivana? Lagi kong kinukwento na kung daan-daanan lang kami dati," paliwanag ng road manager ng YouTube Star.

"Tuwang-tuwa ako nun, ang ganda-ganda ng cover ko nun. 'Di ko ineexpect na kung anoman ang meron ngayon, yung followers, yung YouTube... I'm so grateful," ani Ivana.

Narito ang kabuuan ng video ng mga kaganapan sa kanyang Birthday Photoshoot:

Read also

Ivana Alawi, nagpanggap na maldita sa unang pagsasama nila ni Zeinab sa isang vlog

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 14 million ang kanyang YouTube subscribers.

Kamakailan, naging usap-usapan ang ilan sa mga vlogs ni Ivana na nagpapakita ng labis na pagmamahal at pagmamalasakit niya sa kanyang pamilya.

Tulad na lamang nang maikwento ni Ivana na nag-agaw buhay na umano ang kapatid na si Mona. Handa raw siyang gawin ang lahat, kahit na magkano, mapagaling lamang ang kapatid sa kondisyon nito.

Natuwa rin ang mga netizens sa challenge ni Ivana sa kanyang nanay kung saan niregaluhan niya ito ng isang milyong piso sa kanyang kaarawan.

Maging ang no cellphone challenge na inakala ng marami na basta challenge lamang, iyon pala pinalitan ni Ivana ng pinakabagong iPhone ang mga cellphone ng kanyang pamilya.

Read also

Ivana Alawi at Gerald Anderson, magkakaroon ng teleserye sa 2022

Matatandaang hindi rin natuloy ang kanyang teleserye noong 2020 na may pamagat nang "Ang Lihim ni Ligaya" sa takot na makapagdala siya ng COVID-19 sa kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel