Ogie Diaz, todo puri kay Joshua Garcia: "Napakahusay niyang umarte"

Ogie Diaz, todo puri kay Joshua Garcia: "Napakahusay niyang umarte"

- Pinuri ni Ogie Diaz ang aktor na si Joshua Garcia na kasalukuyang usap-usapan dahil sa kanyang TikTok video

- Aniya, talagang mahusay na aktor si Joshua kaya naman marami rin sa TikTok hinahanap pa ang mga video ng kanyang naging pelikula

- Hinangaan din si Joshua ng pagiging gentleman nito sa bagong Darna na si Jane De Leon sa kanyang dress malfunction sa Christmas Special ng ABS-CBN

- Matapos kasing mag-viral ng video, kinumpirma ni Jane na to the rescue nga talaga sa kanya si Joshua na kanya namang pinasalamatan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Todo puri ang komendyante at kilalang talent manager na si Ogie Diaz sa aktor na si Joshua Garcia.

Nalaman ng KAMI na nag-viral ang kauna-unahang TikTok video ni Joshua na naging daan para lalo siyang mapansin ng publiko pati na rin ang kanyang galing sa pag-arte.

Read also

Madam Inutz sa kanyang magiging future jowa: "Love me for who I am"

Kwento nina Mama Loi at Ogie D sa kanilang Showbiz Update, marami tuloy ang naging interesado sa mga video ng pelikula ni Joshua na naibabahagi sa TikTok matapos siyang mag-viral.

Ogie Diaz, todo puri kay Joshua Garcia: "Napakahusay niyang umarte"
Joshua Garcia (@garciajoshuae)
Source: Instagram

"Sa TikTok Loi, binabalikan nila yung mga dating acting ni Joshua. Magaling! At napakahusay niyang umarte," ayon kay Ogie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa rin sa napag-usapan nila ni Mama Loi ay ang viral video ng inakalang pagiging sweet lamang nina Joshua at ng bagong Darna na si Jane De Leon.

Iyon pala, to the rescue si Joshua gayung nagkaroon pala ng wardrobe malfunction ang aktres sa Christmas Speacial ng ABS-CBN.

Agad niyang tinakpan si Jane habang sila ay nasa entablado at nagtatanghal.

Dahil dito, umani ng papuri si Joshua sa mga netizens at hindi pinabayaan si Jane sa nangyari rito.

Read also

Brenda Mage, inaming ang kanyang ATM ang pinakamalaking naibigay sa kanyang BF

Maging si Ogie at humanga sa kabaitang ginawa na ito ni Joshua na talaga raw isang gentleman.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Isa nga sa mga naitampok niya sa kanyang channel ay si Dr. Vicki Belo na naikwento kung bakit ayaw niyang binabati siya sa kanyang kaarawan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel