Ivana Alawi, nagpanggap na maldita sa unang pagsasama nila ni Zeinab sa isang vlog

Ivana Alawi, nagpanggap na maldita sa unang pagsasama nila ni Zeinab sa isang vlog

- Na-prank ni Ivana Alawi si Zeinab Harake sa una nilang pagkikita para sa kanilang collab

- Nag-set up ng mga CCTV ang team ni Ivana sa venue kung saan nila gagawin ang mukbang collab

- Kitang-kita ang kaba ni Zeinab sa pag-aakalang totoong nagmamaldita si Ivana mula pa lamang nang dumating siya sa set

- Gayunpaman, nanatiling kalmadosi Zeinab na pilit ding pinakakalma ang team ni Ivana

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa collab nina Ivana Alawi at Zeinab, nauwi sa isang prank ang kanilang unang pagkikita.

Nalaman ng KAMI na nag-set up na ng mga CCTV ang team ni Ivana bago pa man ang call time nila kay Zeinab.

Ito ay para makita ang bawat galaw at reaksyon nila lalo na ni Ivana na magpapanggap na maldita sa harap mismo ni Zeinab.

Read also

Ivana Alawi at Gerald Anderson, magkakaroon ng teleserye sa 2022

Ivana Alawi, nagpanggap na maldita sa unang pagsasama nila ni Zeinab sa isang vlog
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Sa text pa lang, nagparamdam na si Ivana na tila cold ang reply niya sa kapwa niya YouTube Star.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang dumating si Zeinab, sinabihan na rin ito ng road manager ni Ivana na mainit ang ulo ng kanyang boss kaya naman doon pa lamang tila kinabahan din siya.

Sa kabila ng mga pagmamaldita kunwari ni Ivana sa mga kasabwat niyang team, kapansin-pansin ang pagiging kalmado ni Zeinab.

Pinakakalma rin niya ang mga staff ni Ivana tuwing ito ay umaalis sa set.

Hanggang sa kunwaring magpapa-schedule na lamang muli si Ivana kay Zeinab, nanatili itong kalmado.

Kaya naman nang sabihin ng Kapuso actress na prank lamang ito, talagang napamura si Zienab.

Hindi rin daw niya inakalang ganoon ang ugali ni Ivana lalo na at iyon ang una nilang pagkikita.

Read also

Brenda Mage sa Christmas message niya para sa BF na si Kelvin: "Thank you for accepting me"

Humanga naman si Ivana sa kabaitan at pagiging kalmado ni Zeinab sa kabila ng mga pangyayari.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 14 million ang kanyang YouTube subscribers.

Kamakailan, naging usap-usapan ang ilan sa mga vlogs ni Ivana na nagpapakita ng labis na pagmamahal at pagmamalasakit niya sa kanyang pamilya.

Tulad na lamang nang maikwento ni Ivana na nag-agaw buhay na umano ang kapatid na si Mona. Handa raw siyang gawin ang lahat, kahit na magkano, mapagaling lamang ang kapatid sa kondisyon nito.

Natuwa rin ang mga netizens sa challenge ni Ivana sa kanyang nanay kung saan niregaluhan niya ito ng isang milyong piso sa kanayang kaarawan.

Read also

Collab nina Zeinab Harake at Alex Gonzaga, nakapagbigay ng Php160,000 sa proyekto ng isang guro

Maging ang no cellphone challenge na inakala ng marami na basta challenge lamang, iyon pala pinalitan ni Ivana ng pinakabagong iPhone ang mga cellphone ng kanyang pamilya.

Matatandaang hindi rin natuloy ang kanyang teleserye noong 2020 na may pamagat nang "Ang Lihim ni Ligaya" sa takot na makapagdala siya ng COVID-19 sa kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel