Ivana Alawi, CEO na ng sarili niyang skin care line ang 'Ivana Skin'

Ivana Alawi, CEO na ng sarili niyang skin care line ang 'Ivana Skin'

- Isinapubliko na ni Ivana Alawi ang kanyang skin care line ang 'Ivana Skin'

- Super proud si Ivana na suportado ng kanyang family sa bago nitong 'baby' na talagang binusisi at pinag-aralan sa loob ng dalawang taon

- Ang kanyang mga kapamilya rin ay sumubok ng kanyang produkto kaya naman alam niyang hindi siya mapapahiya sa publiko

- Aniya, matagal na niya itong pangarap gayung gumagastos daw talaga siya sa mga skin products subalit ngayon, CEO pa siya ng sarili niyang skin care line

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang inanunsyo ni Ivana Alawi ang pagiging CEO niya ng sariling Skin care line ang 'Ivana Skin.'

Nalaman ng KAMI na sa kanyang pinakabagong vlog, ipinakita ni Ivana ang ilang produkto na bahagi ng Ivana Skin.

Ivana Alawi, isinapubliko na ang sarili niyang skin care products ang 'Ivana Skin'
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Ilan sa mga ito ang lotion, kojic soap at rejuvenating skin care set na siya raw mismo ay ginagamit ito gayundin ang kanyang buong pamilya.

Kwento ni Ivana matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sarili niyang skin care line. Siya kasama ni Mona, ay matiyagang dumidiskubre ng magandang skin care product. Maging ang mga do-it yourself na natural beauty secrets ay ginagawa nila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana rin ang nakaimpluwensya sa kanyang ate Amira na magkarooon ng mga skin care routine noon pa man. At ngayon, buong pamilya silang sumubok ng mga produkto ni Ivana.

"Lahat kami 'yun ang ginagamit kasi ayaw naming masira sa inyo. Kasi siyempre sa mukha muna namin kung may masisira, mukha namin hindi kayo. E kaso 'yun nga ang effect sa amin, maganda," pahayag ni Mama Alawi.

Dalawang taon umano ang binuno ni Ivana sa pagbusisi ng produkto na hindi pahuhuli sa kalidad subalit pasok sa bulsa ninoman.

Narito ang kabuuan ng munting product launch niya sa kanyang YouTube channel:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na halos 15 million ang kanyang YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Kamakailan, naibahagi niya sa kanyang vlog ang pagkakaroon nila ng COVID-19 nina Mama Alawi at kapatid na si Hashim. Laking pasalamat naman nilang hindi na tinamaan si Mona gayung labis nilang iniingatan ang kalusugan nito dahil sa kanyang kondisyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel