Ivana Alawi, ipinasilip ang mga natanggap niyang bonggang birthday gifts

Ivana Alawi, ipinasilip ang mga natanggap niyang bonggang birthday gifts

- Ibinahagi ni Ivana Alawi sa kanyang pinakabagong vlogs kung ano ang mga natanggap niyang birthday gifts

- Aniya, hindi niya nagawang buksan agad ang mga ito dahil tinamaan siya ng COVID-19

- Tuwang-tuwa siya mga natanggap niyang regalo na kahit sinabihan niya ang ilan sa mga nagbigay na huwag nang mag-abala

- Matatandaang mismong araw ng Pasko ang kaarawan ni Ivana at nagkaroon siya ng pasabog noong 2021 dahil sa kanyang agaw-eksenang photoshoot

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang ipinakita ni Ivana Alawi ang mga birthday presents na natanggap niya noong 2021.

Nalaman ng KAMI na hindi agad nakapagbukas ng mga regalo si Ivana noong birthday niya ng Disyembre 25 dahil ilang araw lang matapos ito, tinamaan na siya ng COVID-19 gayundin ang kapatid niyang si Hashim at si Mama Alawi.

Read also

Ivana Alawi, CEO na ng sarili niyang skin care line ang 'Ivana Skin'

Sa kanyang pinakabagong video, nag-unboxing si Ivana ng mga gifts mula sa taong nagmamahal sa kanya.

Ivana Alawi, ipinasilip ang mga natanggap niyang bonggang birthday gifts
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Ang ilan, nasabihan pa niyang huwag nang mag-abala pa sa kanyang kaarawan ngunit bongga pa rin ang mga binigay ng mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mapapansin din ang pagiging appreciative ni Ivana na ayon sa kanya, sapat naman na daw ang birthday greeting para sa kanya.

"Bakit parang lahat mahal, grabe!" ang nasabi na lang ng aktres dahil mula sa mga mamahaling bag, slippers, make-up, pabango, alahas at damit, natanggap niya.

Nilinaw din nila ng kapatid niyang si Mona na naisipan nilang i-video ang unboxing ng mga regalo hindi para ipagyabang kundi para magpasalamat sa mga nakaalala sa kaarawan ni Ivana.

Narito ang kabuuan ng video mula sa kanyang YouTube channel na Ivana Alawi:

Read also

Virgelyncares, nasa ospital; pinabulaanan ang kumakalat na agaw-buhay na siya

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na halos 15 million ang kanyang YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya at matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Kamakailan, naibahagi niya sa kanyang vlog ang pagkakaroon nila ng COVID-19 nina Mama Alawi at kapatid na si Hashim. Laking pasalamat naman nilang hindi na tinamaan si Mona gayung labis nilang iniingatan ang kalusugan nito dahil sa kanyang kondisyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel