Ivana Alawi, may mahigit isang bilyong views na ng videos sa kanyang YT channel

Ivana Alawi, may mahigit isang bilyong views na ng videos sa kanyang YT channel

- Lumampas na sa isang bilyon ang views ng mga video ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel

- Sa kanyang Instagram stories naibahagi niya ang screenshot ng detalye ng kanyang channel kung saan makikitang may 1.5 billion views na ito

- Matatandaang si Ivana ang tinanghal na Top YouTube content creator mula 2020 at 2021

- Sinasabing marami ang natutuwa sa kanyang mga videos na madalas tampok ang kanyang pamilya at pagtulong sa kapwa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mahigit isang bilyon na ang views ng mga video ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Ivana ang screenshot mula sa detalye ng kanyang channel kung saan makikitang 1.5 billion na nga ang views na naitala mula sa kanyang 127 videos.

Taong 2018 pa ang kanyang YouTube channel subalit naging mas aktibo siya sa pag-upload ng videos buhat nang magpandemya.

Read also

Angeline Quinto, ibinahagi ang mga pagbabago sa kanyang katawan

Ivana Alawi, mahigit isang bilyon na ang views ng videos niya sa kanyang YT channel
Photo: Ivana Alawi
Source: Facebook

Marami raw kasi talaga ang natutuwa sa kanyang mga naibabahaging video na madalas ay tungkol sa kanyang pamilya at pagtulong sa kapwa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang isa sa mga most viewed videos niya ay ang 'A day in my life' kung saan makikita si Ivana na gumagawa ng mga gawaing bahay.

Nag-viral din ang video niya ng pagtulong sa isang puto kutsinta vendor na hindi nagdalawang-isip na tulungan siya sa pagpapanggap niya bilang isang pulubi.

Kamakailan, ibinahagi rin ni Ivana ang kalagayan ng kanyang pamilya dahil siya, ang kapatid na si Hashim at si Mama Alawi ay tinamaan ng COVID-19.

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na halos 15 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Gigi De Lana, muling napag-tripan ng mga kabanda; "Isa pa, isa pa!"

Hindi lamang ang kanyang pamilya at kaibigan ang natutulungan ni Ivana. Katunayan, ilan sa mga vlog niya'y nagpapakita kung paano siya namamahagi ng biyaya sa mga kababayan nating nangangailangan.

Nang maimbitahan pa nga siya ng kapwa niya YouTuber na si Zeinab Harake para maglaro at ang premyo ay para sa matutulungan nilang batang may karamdaman, dinagdagan pa ni Ivana ang makukuhang premyo ng kanilang tutulungan.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel