Gigi De Lana, muling napag-tripan ng mga kabanda; "Isa pa, isa pa!"

Gigi De Lana, muling napag-tripan ng mga kabanda; "Isa pa, isa pa!"

- Muling napagkaisahan ang singer na si Gigi de Lana ng kanyang mga kabanda

- Nakailang key ito pataas sa pagbirit ng kantang 'I'll never love this way again' na tila minani lang niya

- Matatandaang unang nag-viral ang pataas nang pataas niyang pagbirit ng 'Bakit nga ba mahal kita'

- Bahagi ito ng makulit na 'isa pa challenge' ng magkaka-banda sa kanilang The Gigi Vibes show

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muli na namang napag-kaisahan ang singer na si Gigi De Lana ng kanyang mga kabanda nang makailang beses nitong kantahin ang chorus ng kantang 'I'll never love this way again.'

Nalaman ng KAMI na bukod sa paulit-ulit na pagkanta ng chorus ng nasabing kanta, pataas din ng pataas ang nota nito.

Gigi De Lana, muling napag-tripan ng mga kabanda; "Isa pa, isa pa!"
Gigi De Lana (@gigidelanaofficial)
Source: Instagram

"Kaya pa? kaya pa?" ang tanong ng mga kabanda ni Gigi habang pataas na rin ng pataas ang pagbirit ng singer.

Read also

Lovely Abella, ibinahagi ang nakakaantig na "huling yakap" ng mister sa namayapang ina

Mapapansin ding pinupulsuhan ni Gigi ang sarili gayung talaga namang 'lampas sikanplor version' na raw ang ginagawa niyang pagbirit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At sa ika-anim na pagtaas ng nota, nagbiro pa rin ang kanyang mga kasama at sinabing "isa pa, isa pa" na tila naging challenge na nila kay Gigi.

"'Di na po ako makapagsalita, tapusin na natin to," pagbibiro ni Gigi. Na sinundan naman ng panawagan ng kanyang mga kasama sa ambulansya.

"Nanawagan po kami sa mga ambulansya diyan, may shoutout kayo kung sino mauna"

Narito ang kabuuan ng kanilang makulit na video:

Si Gigi De Lana ay unang nakilala bilang si Gidget Dela Llana na sumikat nang siya'y sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Bukod sa pagiging singer, isa ring aktres si Gigi at nakasama siya sa pelikulang '4 Sisters before the wedding.'

Read also

Viral 'Kangkong chips' owner, idinetalye ang lungkot at tagumpay ng kanyang negosyo

Buhat nang mag-pandmeya, naging aktibo si Gigi sa online gig nila ng kanyang banda sa YouTube channel nilang Gigi De Lana and the Gigi Vibes.

Gumawa ng ingay sa social media si Gigi nang mag-viral ang ginawa sa kanya ng kanyang mga kabanda nang kantahin niya ang "Bakit nga ba mahal kita" ni Roselle Nava.

Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, naikwento niya ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang ina na mayroong stage 2 breast cancer.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel