Lovely Abella, ibinahagi ang nakakaantig na "huling yakap" ng mister sa namayapang ina

Lovely Abella, ibinahagi ang nakakaantig na "huling yakap" ng mister sa namayapang ina

- Marami ang naantig sa ibinahaging mga pictures ni Lovely Abella sa social media

- Pictures ito ng kanyang mister na si Benj Manalo at mga kapatid nito nang ihatid na nila sa kolumbaryo ang kanilang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Isa sa mga nakakaantig na litrato ay ang pagyakap ni Benj sa urn ng kanyang ina kalakip ng caption ni Lovely na Huling yakap

- Matatandaang nitong January 16 nang lumabas ang balita tungkol sa pagpanaw ng dating asawa ni Jose Manalo na si Anna Lyn Manalo

Sa kanyang bagong Facebook post, ibinahagi ng aktres at TV host na si Lovely Abella ang mga pictures nila kasama ang mister na si Benj Manalo at mga kapatid nito na kuha sa kolumbaryo kung saan nila inihatid ang abo ng yumaong dating asawa ni Josie Manalo na si Anna Lyn Manalo.

Read also

Bernadette Sembrano, napahagulgol nang makita ang mga kasamahan sa ABS-CBN

Lovely Abella, ibinahagi ang nakakaantig na "huling yakap" ng mister sa namayapang ina
Benj Manalo and Lovely Abella-Manalo (@lovelyabella_)
Source: Instagram

Isa sa mga nakakaantig na litrato ay ang pagyakap ni Benj sa urn ng kanyang ina kalakip ng caption ni Lovely na Huling yakap. Bakas na bakas sa mukha nito ang kalungkutan at pangungulila sa ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nitong January 16 nang lumabas ang balita tungkol sa pagpanaw ng dating asawa ni Jose. Kasunod nito ay ang pagbuhos ng pakikiramay sa kanilang pamilya.

Biniyayaan ng apat na anak sina Jose at Annalyn kabilang na si Benj. Ang kanyang mga kapatid na sina Myki, Ai, at Niccolo ay makikita din sa mga litratong ibinahagi ni Lovely.

Si Lovely Abella ay unang nakilala bilang isa sa mga nagpa-prank sa Bitoy's Funniest Videos. Ito ang nagbukas ng oportunidad sa kanya para maging isa sa Wowowee dancer. Si Benj Manalo ay anak ng komedyante at TV host na si Jose Manalo. Sa kanilang pag-iisang dibdib ni Benj, tanging ang ina ni Benj ang nakita. May mga naghanap kay Jose sa kasal ng anak ngunit wala silang inilabas na pahayag kaugnay dito.

Read also

Madam Kilay, na-prank ang mga kaibigan; Petite naiyak sa sobrang kaba

Matatandaang nag-viral kamakailan ang ibinahagi ni Lovely na screenshot ng pag-uusap nilang mag-asawa kung saan binigyan siya ng asawa ng P200,000 matapos siyang dumaing na masama ang kanyang pakiramdam.

Naging usap-usapan din ang kanilang bagong bahay na ipinapatayo na mula sa kanilang pag-o-online selling.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel