Madam Kilay, na-prank ang mga kaibigan; Petite naiyak sa sobrang kaba

Madam Kilay, na-prank ang mga kaibigan; Petite naiyak sa sobrang kaba

- Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, nakasama ni Madam Kilay ang mga kaibigang sina Petite, Ethel Booba at ang asawa ni Ethel na si Chef Jessy

- Naganap ito noong pasko kung saan nangaroling sila kasabay ng pamamahagi nila ng pamasko

- Lingid sa kaalaman ng tatlo, isang prank pala ang inihanda ni Madam Kilay para sa kanila at kinuntsaba pa nito ang mga Baranggay officials sa kanilang lugar

- Naiyak naman sa kaba si Petite dahil sa pag-aakalang makukulong sila at pati na rin sa kahihiyang inabot nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilang maiyak ni Petite sa pag-aakalang makukulong sila dahil sa paglabag sa curfew hours. Naganap ito noong nangaroling sila kasama sina Madam Kilay, Ethel Booba at ang asawa nitong si Chef Jessy.

Madam Kilay, na-prank ang mga kaibigan; Petite naiyak sa sobrang kaba
Madam Kilay (@madamkilay)
Source: Instagram

Lingid sa kaalaman ng tatlo, isang prank pala ang inihanda ni Madam Kilay para sa kanila at kinuntsaba pa nito ang mga Baranggay officials sa kanilang lugar. Hindi naman natiis ni madam Kilay na pahabain pa ang prank lalo nang makita niya ang iyak ng kaibigan at nabahala siya.

Read also

Madam Inutz, wagi sa Gawad Amerika bilang 2021 Outstanding Social Media Influencer

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

Grabe naawa ako kay petite..naiyak din ako...ang galing mo madam kilay mag prank ..at ang mga baranggay official ang galing ng kanilang pananalita.napaniwala atnapaiyak nila si petite hahahaha..at si ethel kabadong kabado naman sia..its a prank!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Wow galing nmn Ng brgy. Namin parang totoo congrats madam proud nmn na taga San Francisco Gen .trias din ako ,☺️☺️☺️ very good nmn ang acting MGA tanod totoong totoo napaiyak c petite kinabahan c Ethe
Nabitin ako sa prank...kinabahan na yata kasi si Mdm. Kilay kay Petite.. galing pa naman umakting yung mga tanod at si kapitan...but anyway mas magaling mag prank si mdm ksa sa inyo petite and ethel.

Si Madam Kilay o Jinky Anderson ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial. Ibinahagi niya rin ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay ibinahagi niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.

Read also

Mona Alawi, ipinagluto sina Ivana, Hashim at Mama Alawi na may COVID-19

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael.

Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel