Mona Alawi, ipinagluto sina Ivana, Hashim at Mama Alawi na may COVID-19

Mona Alawi, ipinagluto sina Ivana, Hashim at Mama Alawi na may COVID-19

- Ipinagluto ni Mona Alawi ang kanyang buong pamilya lalo na ang tatlong tinamaan ng COVID-19

- Kamakailan ay kinumpirma ni Ivana Alawi na siya, ang kapatid na si Hashim at ang kanilang Mama Alawi ay nagpositibo sa COVID-19

- Kanya-kanyang quarantine ang tatlo kaya naisipan ni Mona na ipagluto ang mga ito ng tinola na pinadala niya sa kanilang driver

- Sa pamamagitan ng video call, sabay-sabay pa rin na kumain ang Alawi family sa kabila ng pinagdaraanan nilang pagsubok

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gumising daw ng maaga si Mona Alawi para lamang ipagluto ang kanyang pamilya lalo na ang tatlong lumabas na positibo sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na ang tatlong ito ay sina Ivana Alawi, si Hashim at ang kanilang Mama Alawi na kasalukuyang naka-quarantine.

Sa pahayag ni Ivana sa kanyang vlog, nakaramdam umano sila ng sintomas at nang malaman nilang tinamaan sila ng COVID-19, hiling niyang hindi sana nahawa ang kanilang bunso na si Mona.

Read also

Vico Sotto, nagpositibo sa COVID-19: "But please don't worry"

Mona Alawi, ipinagluto sina Ivana, Hashim at Mama Alawi na may COVID-19
Mona Alawi (Photo from Ivana Alawi)
Source: Facebook

Kaya naman naisipan ni Mona na ipaghanda ng tinola ang kanyang Ate Ivana, Kuya Hashim at Mama Alawi. Maging ang kanilang Ate Amira ay pinadalhan din ni Mona ng kanyang niluto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi man sila magkakasamang kumain tulad ng madalas na napapanood sa kanilang vlogs, sabay-sabay pa rin nilang napagsaluhan ang luto ni Mona sa pamamagitan ng video call.

"Today gumising ako ng maaga because I wanted to cook for our family, we can't eat together in person yet I wanted to cook for them. Ang gagawin ko is magluluto ako dito and then ipapa-deliver ko thru our driver papunta sa kanila and then magbi-video call kami later and we can eat lunch together... I really miss them"

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi:

Read also

Andrea Brillantes, naalarma sa poser; pinare-report ang fake account

Si Mona Alawi ang bunsong kapatid ng actress at YouTuber na si Ivana Alawi. Isa rin siya noong child star na nagkaroon ng screen name na Mona Louise Rey. Nakilala siya sa mga TV shows na Munting Heredera, Aso ni San Roque, at Luna Blanca.

Sa naunang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Mona ang kanyang 'near-death experience' kung saan matapos na mawalan ng malay, 'pinapanood' na niya umano ang sarili habang pilit siyang ginigising at inaasikaso ng kanyang ina.

Matatandaang Hunyo 2021, naikwento ni Ivana kung bakit madalas na wala ang kanyang bunsong kapatid na si Mona sa kanyang mga vlog. Sinabi niyang makailang beses nila itong nadala sa ospital dahil sa kanyang karamdaman.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel