Mama Alawi, hiling ang 'total healing' ni Mona para sa 17th birthday nito

Mama Alawi, hiling ang 'total healing' ni Mona para sa 17th birthday nito

- Walang ibang hiling ang Alawi family lalo na ang kanilang "Mama Alawi" para sa 17th birthday ni Mona kundi ang gumaling ito

- Naibahagi kasi nila ang naganap kay Mona dalawang linggo bago ang kaarawan nito kung saan halos siya ay nag-agaw buhay

- Kung pwede lang daw na akuin ang hirap ng anak, gagawin niya dahil sa hirap din ng kalagayan niyang makita si Mona na nahihirapan

- Naiyak pa si Ivana nang ikwentong 'ni-reject' ni God si Mona at sinabing hindi pa raw nito oras kaya naman umayos na muli ang kalagayan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang ibinahagi ng Alawi Family ang simple ngunit makabuluhang selebrasyon ng 17th birthday ni Mona Alawi.

Nalaman ng KAMI na sinurpresa nina Ivana Alawi ang bunso nilang si Mona kahit ayaw nitong ng magarbong selebrasyon at mga regalo.

Read also

Mama Alawi, may mensahe sa future BF ni Mona: "Kung sasaktan niyo lang siya, yari kayo sa'kin"

Natuwa naman si Mona sa mga regalong natanggap mula sa pamilya kahit sinabihan niya ang mga ito na huwag nang gumastos ng malaki para sa kanya.

Mama Alawi, walang ibang hiling para sa 17th birthday ni Mona kundi ang gumaling na ito
Mama Alawi (Photo credit: @monaalawi)
Source: UGC

Subalit nang magbigay na sila ng birthday wish para kay Mona, doon nabanggit ni Mama Alawi na wala siyang hiling kundi ang total healing ni Mona sa karamdaman nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naikwento rin nila ang naganap kay Mona dalawang linggo bago ang kaarawan nito.

Nag-agaw buhay na raw si Mona na noo'y bumagsak ang sugar level sa katawan dahilan para ito ay matumba at mawalan ng malay.

"Natakot ako, two weeks ago... tatlong beses siyang muntik, muntikan. Kamuntik talaga. Alam mo 'yung sobrang lamig na ng katawan niya, 'yung kamay niya pag hinawakan niyo wala na... 'Pag itinatayo na siya wala na bumagbagsak na siya," pagdedetalye ni Mama Alawi.

Read also

Ivana Alawi, sinurpresa ng mga bonggang regalo ang kapatid na si Mona Alawi

Doon na idinetalye ni Mona na nasobrahan siya ng lagay ng insulin sa kanya gayung siya ay diabetic.

Nilarawan niyang 'pinapanood' na niya ang sarili habang inaasikaso siya ng kanyang Mama para lamang maibalik ang malay niya.

"Ako nasa may paahan ng kama, oo nakikita ko sarili ko. Kasi wala akong control sa body ko like 'yung buto ko, hindi ko talaga magalaw"

Inakala pa ni Mona na nanaginip lamang siya at hinihintay na lamang niyang siya ay magising.

"Parang pinanonood mo na kaluluwa mo nasa labas na para panoorin mo 'yung sarili mo, yun ang nakakakilabot," pagbabahagi ni Mama Alawi.

Kaya naman hiling niya ang 'total healing' para kay Mona upang hindi na muli itong maranasan.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi:

Si Mona Alawi ang bunsong kapatid ng actress at YouTuber na si Ivana Alawi. Isa rin siya noong child star na nagkaroon ng screen name na Mona Louise Rey. Nakilala siya sa mga TV shows na Munting Heredera, Aso ni San Roque, at Luna Blanca.

Read also

Mona Alawi, nag-agaw buhay bago ang kanyang 17th birthday; "Pinapanood ko na sarili ko"

Matatandaang nito lamang Hunyo, naikwento ni Ivana kung bakit madalas na wala ang kanyang bunsong kapatid na si Mona sa kanyang mga vlog. Sinabi niyang makailang beses nila itong nadala sa ospital dahil sa kanyang karamdaman.

Una ring naiulat ng KAMI ang pagde-detalye ni Mona ng kanyang near-death experience kung saan sinabi niyang 'ni-reject siya ni God at hindi pa raw niya oras.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel