Mama Alawi, may mensahe sa future BF ni Mona: "Kung sasaktan niyo lang siya, yari kayo sa'kin"

Mama Alawi, may mensahe sa future BF ni Mona: "Kung sasaktan niyo lang siya, yari kayo sa'kin"

- Nagdiwang kamakailan ng kanyang 17th birthday si Mona Alawi kasama ang kanyang family

- Sa vlog ng kanyang ate Ivana, naikwento nila ang agaw-buhay na nangyari sa kanya, dalawang linggo bago ang kanyang birthday

- Dahil dito, nagbigay mensahe si Mama Alawi sa future boyfriend ni Mona na dapat aalagaan ito dahil sa kanyang karamdaman

- Nagbiro pa ang pamilya na sasama sa date ni Mona upang tingnan kung papasa ba sa kanila ang makaka-date nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nito lamang Agosto 19, nagkaroon ng simple ngunit makabuluhang 17th birthday celebration si Mona Alawi.

Nalaman ng KAMI na si ang nakababatang kapatid ng aktres na si Ivana Alawi mismo ang nagsabi na ayaw niya ng magarbong handaan at mga regalo.

Ngunit dahil super love ng pamilya ang kanilang bunso, ipinaghanda pa rin nila ito at binigyan ng mga bonggang regalo na talagang nagustuhan ni Mona bagama't nanghinayang daw ito sa perang ginastos ng pamilya.

Read also

22-anyos na 'scholar', nakabili raw ng dalawang bahay dahil lang sa patok na online game

Mama Alawi, may mensahe sa future BF ni Mona: "Kung sasaktan niyo lang siya, yari kayo sa'kin"
Mama Alawi (@monaalawi)
Source: UGC

Bukod pa rito, naikwento rin nila ang agaw-buhay na pangyayari kay Mona dalawang linggo bago ang kanyang kaarawan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bumagsak umano ang kanyang sugar level dahil sa maling dami ng nailgay niyang insulin. Matatandaang minsan nang naikwento ng pamilya ang pagiging diabetic ni Mona.

Dahil dito, hiling ni Ivana lalo na ni Mama Alawi na sakaling magkakaroon na ng boyfriend si Mona ay dapat na maalaga at maiintindihan ang kanyang kalagayan.

"Kasi kung sasaktan niyo lang siya, yari kayo sa'kin. 'Wag ka nang magpapakita," babala ni Mama Alawi.

Nagbiro pa sila ni Ivana na sasama sa magiging unang date ni Mona upang makilatis ang makaka-date ni Mona kung papasa ba sa kanila.

Si Mona Alawi ang bunsong kapatid ng actress at YouTuber na si Ivana Alawi. Isa rin siya noong child star na nagkaroon ng screen name na Mona Louise Rey. Nakilala siya sa mga TV shows na Munting Heredera, Aso ni San Roque, at Luna Blanca.

Read also

Mama Alawi, hiling ang 'total healing' ni Mona para sa 17th birthday nito

Sa naunang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Mona ang kanyang 'near-death experience' kung saan matapos na mawalan ng malay, 'pinapanood' na niya umano ang sarili habang pilit siyang ginigising at inaasikaso ng kanyang ina.

Matatandaang nito lamang Hunyo, naikwento ni Ivana kung bakit madalas na wala ang kanyang bunsong kapatid na si Mona sa kanyang mga vlog. Sinabi niyang makailang beses nila itong nadala sa ospital dahil sa kanyang karamdaman.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel