22-anyos na 'scholar', nakabili raw ng dalawang bahay dahil lang sa patok na online game
- Ibinahagi ng isang 22-anyos na lalaki ang maagang tagumpay na kanyang nakamit dahil sa paglalaro ng online game
- Nobyembre nang maging 'scholar' daw ito ng Axie Infinity, isang online game na patok ngayon
- Abril ngayong 2021, nakabili na siya ng hindi lang isa kundi dalawang bahay para sa kanyang mga magulang
- Paalala naman niyang huwag uutang para lamang makasali sa laro na nangailangan ng puhunan dahil maari pa rin silang malugi o matalo
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kamangha-mangha na sa edad na 22, nakabili na ng dalawang bahay si John Aaron Ramos dahil lamang umano sa paglalaro ng patok na online game ngayon, ang 'Axie Infinity.'
Nalaman ng KAMI na noong Nobyembre 2020 pinasok ni John Aaron ang paglalaro ng Axie kung saan isa siyang tinatawag na 'scholar.'
Sa panayam sa kanya ng programang 'Kapuso mo, Jessica Soho,' malaki-laki ang puhunan sa naturang laro kung saan ang tinatawag nilang 'manager' ang naglalabas ng tinatayang Php100,000 hanggang Php120,000.
Dalawa hanggang tatlong oras lamang kada araw ang paglalaro nito ni John Aaron. At ang kitaan, depende sa makukuha nilang "small love potion" o SLP. Ang SLP na ito ang maari nilang ipalit sa aktwal na pera. Ang halaga naman ng SLP ay nakaayon sa galaw ng 'digital currency' sa merkado.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nagkataon tumaas ang conversion na SLP na ito kaya naman lumaki ang kinita ni John Aaron.
Dahil dito, nakabili na siya ng isang bahay para sa kanyang ina at isa pang bahay para sa kanyang ama.
Bukod pa rito, mula sa pagiging 'scholar' ng naturang laro, manager na rin siya na humahawak ng sarili niyang team. Umupa na rin sila ng lugar kung saan kasama niyang naglalaro ang kanyang mga scholars.
Subalit payo ni John Aaron, iwasang mangutang para lamang maging manager at makapamuhunan sa Axie Infinity. Gamitin lamang ang perang kayang ilabas gayung isa pa rin itong laro at hindi trabaho na pwedeng malugi rin o matalo.
Masasabing maraming epekto kaninoman ang labis na paglalaro ng online games. Mayroon mang kabutihang naidudulot ito dahil sa umano'y nakakawala ng pagod o sa kaso nina John Aaron na kumikita ng malaking halaga ng pera, mayroon din namang mga hindi magandang naidudulot ito.
Tulad na lamang ng isang babaeng nagawang ibenta ang motor ng ama para lamang makabili ng tiket at makipagkita sa kanyang 'crush' na nakilala sa online game. Kamalasan, hindi naman siya sinipot nito at umuwing luhaan.
Mas masaklap, ang labis-labis na paglalaro rin ng online games ang naging sanhi umano ng pagpanaw ng isang binatilyo na napatiran ng ugat sa labis na puyat at pagod sa pagtutok sa kanyang laro.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh