Ivana Alawi, sinurpresa ng mga bonggang regalo ang kapatid na si Mona Alawi

Ivana Alawi, sinurpresa ng mga bonggang regalo ang kapatid na si Mona Alawi

- Sinurpresa nina Ivana Alawi ang kanyang kapatid na si Mona para sa 17th birthday nito

- Bago pa ang kanyang kaarawan, nasabi naman na ni Mona sa kanyang ate na ayaw niya talaga ng magarbong selebrasyon maging ang mga regalo

- Ngunit dahil mahal na mahal nila ang kanilang bunso, nakatanggap pa rin ng tatlong bonggang regalo si Mona

- Labis naman itong ipinagpasalamat ni Mona sa kanyang Ate Ivana, Kuya Hash at Mama Alawi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayaw man ni Mona Alawi, sinurpresa pa rin siya ng kanyang ate na si Ivana, Mama Alawi at kuya Hash para sa kanyang 17th birthday na ginanap noong Agosto 19.

Nalaman ng KAMI na bago pa man kasi ang kaarawan ni Mona ay nasabi na nito kay Ivana na ayaw niya ng magarbong selebrasyon.

Read also

Mama Alawi, may mensahe sa future BF ni Mona: "Kung sasaktan niyo lang siya, yari kayo sa'kin"

Hindi rin daw nito ninais na magkaroon maging ng mga regalo ngunit hindi naman pumayag si Ivana at ibinigay pa rin sa kapatid ang mga bagay na alam niyang nais nito.

Ivana Alawi, sinurpresa ng mga bonggang regalo ang kapatid na si Mona Alawi
Ivana Alaw (Photo credit: @ivanaalawi)
Source: Instagram

Kaya naman nang buksan niya ang una niyang regalo na PS5, agad niyang nasabing "Uuy, ang mahal nito. Sabi mo walang mahal."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Katwiran ni Mona, ayaw na raw niyang pagastusin pa ang kanyang ate at kuya gayundin ang kanyang mama.

"Pag-iipunan ko dapat, ako dapat bibili," pahayag ni Mona. Ayon naman sa kanyang ate Ivana deserve naman ito ng kanilang bunso na labis na kasiyahang dulot nito sa kanilang pamilya.

Bukod sa PS5, nakatanggap din si Mona ng baking tool at air purifier na labis niyang ipinagpasalamat sa kanyang pamilya.

Narito ang kabuuan ng birthday celebration ni Mona na naibahagi sa YouTube channel ni Ivana Alawi:

Read also

Mama Alawi, hiling ang 'total healing' ni Mona para sa 17th birthday nito

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 13.7 million ang kanyang YouTube subscribers.

Sa vlog ng 17th birthday celebration ni Mona kamakailan na nasa channel ni Ivana, naikwento rin nilang nag-agaw buhay ito nang biglang bumaba ang kanyang sugar level. Kinilabutan ang kanyang pamilya gayung ikinuwento ni Mona na pinapanood na niya ang sarili na walang malay.

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel