Ivana Alawi, dinagdagan ang tulong na Php105,000 ni Zeinab Harake para sa batang may sakit

Ivana Alawi, dinagdagan ang tulong na Php105,000 ni Zeinab Harake para sa batang may sakit

- Dadagdagan ni Ivana Alawi ang tulong ni Zeinab Harake para sa isang batang may sakit

- Bahagi ito ng Vlogmas ni Zeinab kung saan nag-iimbita siya ng mga celebrity vloggers na naglalaro para makalikom ng halagang ibibigay nila bilang tulong

- Ilan sa mga ito ay sina Vice Ganda, Kim Chiu at Rabiya Mateo

- Umani ng papuri si Zeinab sa mga kapwa niya vlogger sa content niyang ito dahil bukod sa nakapagpasaya na siya ng viewers, nakatulong pa siya sa mga nangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pinakahuling Vlogmas ni Zeinab Harake, si Ivana Alawi ang kanyang naging player para makalikom ng pera na ibibigay bilang tulong sa isang batang may malubhang karamdaman.

Nalaman ng KAMI na bago maganap ang collab ng dalawang kilalang vloggers, binisita muna ni Zeinab ang bata gayung nakaratay ito sa kanilang tahanan.

Read also

Basel Manadil, namahagi ng Php100,000 na pamasko sa mga security guard

Hindi naiwasang maluha ni Zeinab nang makita ang kalagayan ng bata lalo pa at buntis pa ang ina nito.

Ivana Alawi, dinagdagan ang tulong na Php105,000 ni Zeinab Harake para sa batang may sakit
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Nagbigay na rin siya ng paunang tulong bukod pa sa malilikom nila sa laro nila ni Ivana.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

'Category challenge' ang kanilang nilaro kung saan paramihan sila ng masasabing salita na may kaugnayan sa sasabihing category.

Umabot sa Php105,000 ang nalikom nila sa laro at biglang bumulong si Ivana na dadagdagan niya ito.

Narito ang kabuuan ng video na nakapagbigay saya sa mga manonood, nakatulong pa sa mga kababayan nating naghihikahos:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may mahigit na 11 million YouTube subscribers.

Kamakailan, ang aktres at host na si Kim Chiu naman ang nakasama ni Zeinab sa kanyang vlog para maglaro at matulungan ang isang working student.

Read also

Zeinab Harake, nakapagbigay ng Php200,000 sa kanyang fan sa tulong ni Rabiya Mateo

Napagod man sa pagtakbo at pabalik-balik sa kahon ng bola patungo sa Christmas tree, sulit naman ang pagod ni Kim dahil nakatulong sila sa isang masipag na fan ni Zeinab.

Nasa Php60,000 ang napanalunan nila at dinagdagan ito ni Kim para saradong Php100,000 na ang matanggap ng kanilang bibigyan ng biyaya ngayong pasko.

Isa rin sa mga naglaro sa Vlogmas ni Zeinab ay si Rabiya Mateo kung saan nakalikom sila ng tumataginting na Php200,000 para sa pamilyang ipaaayos ang kanilang tahanan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel