Basel Manadil, namahagi ng Php100,000 na pamasko sa mga security guard

Basel Manadil, namahagi ng Php100,000 na pamasko sa mga security guard

- Namahagi ng biyaya ang vlogger na si Basel Manadil sa mga masusuwerteng security guards na kanilang nadadanaan

- Umabot sa Php100,000 ang kanyang mga naipamigay sa mga security guards na halos hindi makapaniwala sa laki ng kanyang 'tip' sa kanila

- Namangha pa si Basel nang hindi agad na tinanggap ng isang sekyu ang kanyang ibinibigay dahil masyado raw itong malaki

- Ngunit dahil sa naramdaman ni Basel na nararapat itong bigyan, inilagay niya ito sa may upuan ng gwardiyang nagpasalamat naman sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Namahagi ng pamasko ang vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' sa mga security guards na kanilang nadaraanan.

Nalaman ng KAMI na tumataginting na Php100,000 ang kanyang naipamahagi sa mga guwardiya na inilalagay niya sa mga tip box nito.

Read also

Zeinab Harake, nakapagbigay ng Php200,000 sa kanyang fan sa tulong ni Rabiya Mateo

Nagugulat na lamang ang mga guwardiya sa laki ng ibinibigay sa kanila ni Basel.

Basel Manadil, namahagi ng Php100,000 na pamasko sa mga security guard
Basel Manadil (The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Malaking tulong daw ito sa kapatid ng isa niyang nabigyan na nasa ospital. Ang isa nama'y mapapasaya lalo ang pamilya dahil masasarap na pagkain ang kanilang mabibili ngayon.

Subalit ang isang guwardiyang nabigyan ni Basel ay nakuha pang tumanggi sa umpisa.

Ayon sa guwardiya, hindi raw niya kayang tumanggap ng ganoong kalaking pera.

Mas lalong humanga si Basel sa guwardiyang ito kaya naman ipinilit niya ang iniaabot na pera patuloy pa rin nitong tinatanggihan.

Nang mailagay na ito ni Basel sa upuan ng guwardiya, labis naman itong nagpasalamat sa kanya.

Narito ang kabuuan ng nakakataba ng puso na video:

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Read also

Misis ng nakaalitang pulis ni Sachzna, nakaharap ang kasamang babae nito

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng ilang mga branch ng YOLO Retro Diner at Yeoboseyo Korean Mart.

Kamakailan, pinaaga nito ang pasko sa mga street vendors na nadaanan lamang niya ngunit nabigyan niya ng malaking tulong na maiuuwi ng mga ito sa kani-kanilang mga pamilya.

Gayundin ang kanya mismong kasambahay na nagulat nang makitang iPhone 12 pala ang handog sa kanya ni Basel.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel