Zeinab Harake, nakapagbigay ng Php200,000 sa kanyang fan sa tulong ni Rabiya Mateo

Zeinab Harake, nakapagbigay ng Php200,000 sa kanyang fan sa tulong ni Rabiya Mateo

- Nakapagbigay ng Php200,000 si Zeinab Harake sa kanyang fan na magpapaayos ng bahay

- Sa kanyang Vlogmas, naimbitahan niya si Rabiya Mateo upang maglaro ng mala 'Beer-pong' kung saan ang mga baso kung saan dapat niyang maipa-shoot ang mga bola ay may katumbas na halaga

- Sa kagustuhang makatulong, marami na raw adjustments na ginawa si Zeinab sa rules ng kanyang palaro

- Matatandaang marami nang nabigyan si Zeinab na mga Zebbies niyang napili para mas mapasaya ang mga Pasko nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umabot sa Php201,000 ang ang kabuuang naibigay ni Zeinab Harake sa kanyang fan na nagpadala ng email sa kanya.

Nalaman ng KAMI na bahagi ito ng Vlogmas ni Zeinab kung saan pumipili siya ng mga masuswerteng fans na mabibigyan ng bonggang tulong ngayong Kapaskuhan.

Zeinab Harake, nakapagbigay ng Php200,000 sa kanyang fan sa tulong ni Rabiya Mateo
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

At ang bisita niya sa kanyang vlog na naibahagi ngayong Disyembre 22 ay ang Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo.

Read also

Ivana Alawi, dinagdagan ang tulong na Php105,000 ni Zeinab Harake para sa batang may sakit

Pinaglaro niya ito ng mala-beer pong kung saan kinailangang mapa-shoot ni Rabiya ang mga bola sa mga baso na may karampatang halaga sa loob.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tatlong minuto lang sana ang inilaan nina Zeinab sa laro subalit dahil sa suot ni Rabiya, ginawa na nila itong limang minuto para mas malaki ang mapanalunan ng kanyang fan.

Kaya naman nang matapos ang oras, umabot sa Php191,000 ang katumbas na halaga ng mga napa-shoot na bola sa mga baso. Dinagdagan pa ito ng automatic na Php10,000 bilang bahagi naman ng Santa Zebby kaya Php201,000 ang maiuuwi ng fan na ipagpapaayos nila ng bahay.

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may mahigit na 11 million YouTube subscribers.

Kamakailan, si Kim Chiu naman ang nakasama ni Zeinab sa kanyang vlog para maglaro at matulungan ang isang working student.

Read also

Basel Manadil, namahagi ng Php100,000 na pamasko sa mga security guard

Christmas balls na ilalagay sa Christmas tree naman ang ginawa ni Kim kung saan ang mga balls ay may kaukulang halaga.

Napagod man sa pagtakbo at pabalik-balik sa kahon ng bola patungo sa Christmas tree, sulit naman ang pagod ni Kim dahil nakatulong sila sa isang masipag na fan ni Zeinab.

Nasa Php60,000 ang napanalunan nila at dinagdagan ito ni Kim para saradong Php100,000 na ang matanggap ng kanilang bibigyan ng biyaya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel