Misis ng nakaalitang pulis ni Sachzna, nakaharap ang kasamang babae nito

Misis ng nakaalitang pulis ni Sachzna, nakaharap ang kasamang babae nito

- Nagsalita na ang misis ng nagpakilalang pulis sa viral video kung saan nakaalitan nito ang vlogger na si Sachzna Laparan

- Maging ang babae sa video na hindi pala asawa ng nagpakilalang pulis ay nagpaunlak ng panayam sa programa ni Raffy Tulfo

- Sinabi ng misis na bago pa man maganap ang nasa viral video, nakatanggap na siya ng tawag mula sa babae ng mister at sinasabing buntis ito

- Itinatanggi naman ng babae ang mga paratang sa kanya ng misis at may mga nasabi rin daw ito sa kanya

- At dahil hindi ito ang unang beses na nagloko ang mister, nagpatulong na ang misis kay Tulfo na tuluyang nang kasuhan ang kanyang asawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naging mainit ang diskusyon sa Raffy tulfo in Action matapos na magsalita ni Nelma Serafica, ang misis ni Jeffrey Serafica na nagpakilalang pulis na nakaalitan ng vlogger na si Sachzna Laparan.

Read also

Misis ng pulis na nakaalitan ni Sachzna Laparan sa viral video, nagulat sa babaeng kasama nito

Nalaman ng KAMI na walang kaalam-alam si Nelma sa relasyon ng kanyang mister sa babaeng nagngangalang Mary grace Ventura na siyang kasama nito sa viral video.

Misis ng nakaalitan ni Sachzna Laparan, nakausap sa RTIA ang babaeng kasama ng mister sa video
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Aniya, bago pa man ang naturang insidente, nakatanggap na siya ng tawag mula kay Mary Grace at inamin nitong nabuntis siya ni Jeffrey.

Ang masklap, sinabihan pa raw siya nito ng makapal ang mukha at ipinagsisiksikan pa raw niya ang kanyang sarili sa mister na hindi naman na raw siya mahal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit nang magpaunlak din ng panayam si Mary Grace sa Raffy Tulfo in Action kung saan nasa kabilang linya rin si Nelma, pinabulaanan niya ang mga ito.

Sinabi niyang kinukumbinsi pa niya si Jeffrey na layuan siya at hindi niya ito tatanggapin hangga't hindi maayos at hindi pa legal ang pakikipaghiwalay nito sa kanyang misis.

Read also

Brenda Mage sa Christmas message niya para sa BF na si Kelvin: "Thank you for accepting me"

Gayunpaman, mas lalong nag-igting ang emosyon ni Nelma na nagpatulong na kay Tulfo na kasuhan ang kanyang mister na hindi pala ito ang unang beses ng panloloko nito sa kanya.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTube Star sa bansa kung saan may mahigit 22.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Matatandaang dumulog na sa programa ni Tulfo ang vlogger na si Sachzna Laparan upang matukoy ang umano'y nambastos sa kanila na nagpakilalang pulis sa isang restaurant.

Matapos ang ilang linggong pangangalap ng impormasyon, nakilala na ang pulis na si Jeffrey na ngayo'y isa nang security guard. At ang babae sa video na kasama niya ay hindi pala niya asawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel