Mona Alawi, pinaiyak muna ang kanyang Ate Ivana bago ibigay dito ang regalong laptop

Mona Alawi, pinaiyak muna ang kanyang Ate Ivana bago ibigay dito ang regalong laptop

- Napaiyak si Ivana Alawi nang ma-prank muna siya ng kapatid na si Mona Alawi

- Kasabwat ni Mona ang buong pamilya niya maging ang pamangkin nilang si Gab

- Inakala ni Ivana na naihulog ni Gab ang laptop niyang ginagamit kung saan naroon ang mahahalaga niyang files

- Imbis na mainis, naantig naman ang puso niya kay Mona na binilhan siya ng bagong laptop mula sa sarili nitong pera

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Talagang napaiyak muna ni Mona Alawi ang kanyang ate Ivana Alawi bago niya ibigay ang surpresa niya rito na bagong laptop.

Nalaman ng KAMI na naisipan ni Mona na i-prank ang kanyang ate Ivana at kunwaring naihulog ng kanilang pamangkin na si Gab ang laptop ng aktres.

Mona Alawi, pinaiyak muna ang kanyang Ate Ivana bago ibigay dito ang regalong laptop
Mona Alawi, pinaiyak muna ang kanyang Ate Ivana bago ibigay dito ang regalong laptop (Ivana Alawi YouTube channel)
Source: Facebook

Kasalukuyan noong abala si Ivana sa photoshoot ng kanyang Ivana Skin care kaya kaya dala nito ang kanyang laptop na naglalaman ng kanyang mga importanteng files.

Read also

Jelai Andres, kumasa sa hamon na maging alagang unggoy ni Buboy Villar

At nang maiwanan nito ang laptop, pinalitan ito ni Mona ng pam-prank niya sa kanyang Ate Ivana.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento ni Mona, naaaliw din kasi sila sa kanyang ate Ivana tuwing ito ay umiiyak dahil pa raw itong bata.

Kaya naman ilang minuto pa bago nila sabihing prank lamang ang lahat at wala talagang kasalanan ang pamangkin nilang si Gab.

Kaya naman nang ibigay na ni Mona ang kanyang surpresa imbis na magalit, naantig naman ang puso ni Ivana dahil pera mismo ni Mona ang ipinambili ng bagong laptop.

Narito ang kabuuan ng video mula sa kanyang YouTube channel, Ivana Alawi:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Nanay ni Madam Inutz, emosyonal sa kanyang unti-unting paggaling

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel