Jelai Andres, kumasa sa hamon na maging alagang unggoy ni Buboy Villar

Jelai Andres, kumasa sa hamon na maging alagang unggoy ni Buboy Villar

- Muling nagkasama ang magkaibigang Buboy Villar at Jelai Andres sa vlog episode na binahagi ni Jelai sa kanyang YouTube channel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Ginawa nila ang Can't Say No at Di Mo Kaya Challenge kung saan nagsalitan sila sa pagbigay ng dare sa isa't-isa

- Kahit nanginginig ay ginawa ni Jelai ang dare sa kanya ni Buboy na tawagan ang kanyang mga abugado para sabihing iuurong niya na ang kaso sa asawa ngunit binawi niya din agad ito

- Kinaaliwan din ang paglakag ni Jelai na parang unggoy habang akay-akay siya ni Buboy

Muling kinaaliwan ang tambalang Jelai Andres at Buboy Villar sa bagong vlog episode ni Jelai. Ginawa nila ang Can't Say No at Di Mo Kaya Challenge kung saan nagsalitan sila sa pagbigay ng dare sa isa't-isa.

Read also

Herlene Budol, pinabulaanan ang malisyosong espikulasyon kay Willie Revillame

Jelai Andres, kumasa sa hamon na maging alagang unggoy ni Buboy Villar
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kabilang sa dare ni Buboy sa kaibigan ay tawagan nito ang kanyang abugado at sasabihing iuurong niya na ang kaso sa kanyang asawa. Kahit nanginginig ay hindi inatrasan ni Jelai ang hamon. Matapos makausap ang kanyang mga abugado, muli siyang tumawag para ipaliwanag na parte lang iyon ng challenge na ginagawa nila ni Buboy.

Kinaaliwan din ang paglakad ni Jelai na parang unggoy habang akay-akay siya ni Buboy. Kahit maraming tao ang kanilang nadaanan ay tuloy-tuloy lang ding maglakad ang dalawa.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga viewers:

Ito yong tandem na tlagang natural at totoong emotion pinapakita.kahanga hanga ang samahan ninyo dalawa.kaya idol ko kayo pareho kc ngiti lage Dulot ng mga vlogs nyo.more power and God bless Jelai and Buboy!!
Sobrang saya ko kada papanuorin ko kayong dalawa . Napakagandang LOVETEAM ang nabuo sainyong dalawa.

Read also

Brenda Mage, pansamantalang iiwan ang showbiz: "Makakauwi na ko ng Probinsya"

Ang ganda ng pagkakabuo ng friendship niyong dalawa miloves,good vibes lang palagi tapos di mawawala ang laughtrip as in pero sobrang happy ako for you kasi ang saya saya mo na tingnan miloves

Si Jelai Andres ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Sa kainitan ng pagputok ng balita tungkol sa muling paghihiwalay nila ni Jon, hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob kay Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel