Herlene Budol, pinabulaanan ang malisyosong espikulasyon kay Willie Revillame

Herlene Budol, pinabulaanan ang malisyosong espikulasyon kay Willie Revillame

- Ayon kay Herlene Hipon Budol, hindi talaga siya mahilig sumagot sa mga hate comments sa kanya

- Isang beses lang umano niya sinubukang magbasa at aminado siyang naiyak siya dahil aniya ay sensitive siya

- Isa sa mga negatibong komento kay Herlene ay ang tungkol sa umano'y dahilan ng pagtanggal sa kanya sa Wowowin

- Pinabulaanan niya ang haka-hakang pinagsasamantalahan ni Willie Revillame ang lahat ng babaeng kasama sa kanilang show

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinagtanggol ni Herlene "Hipon" Budol si Willie Revillame sa haka-hakang pinagsasamantalahan ni Willie Revillame ang lahat ng babaeng kasama sa kanilang show. Aniya, tatay talaga ang tingin niya kay Kuya Wil at malaki umano ang utang na loob niya dito.

Herlene Budol, pinabulaanan ang malisyosong espikulasyon kay Wllie Revillame
Herlene 'Hipon' Budol (@herelene_budol)
Source: Instagram

Aniya, napakabait na tao ni Kuya Wil at isa umano siya sa natulungan nang malaki ni Kuya Wil. Doon umano siya natuto kung paano makipag kapwa-tao. Dagdag pa niya, kalahati ng kanyang utak ay si Kuya Wil ang nag-ambag.

Read also

Herlene Budol, diretsahang inamin na asar siya dati kay Pastillas Girl

Sa bagong vlog ni Herlene, nagbasa sila ni Pastillas ng mga hate comments sa kanila. Aminado si Herlene na hindi talaga siya mahilig magbasa ng mga hate comments at minsan niya lang daw itong nasubukan. Naiyak pa umano siya nang gawin niya ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman sa viewers ni Herlene ang humanga sa pagiging totoong tao niya:

Hi Herlene! Ayoko kita tawaging "Hipon" kasi I find you beautiful, loob at labas ng pagkatao mo. Maganda ka. Push lang sa lahat ng dreams mo. Wag ka ma-down. Handful of sad people lang yan. Mas marami ang susuporta sa iyo and I am one of them.
I support you po Ate Herlene, napaka honest niyo po at napaka bait. You deserve all the blessing in the world. More more blessings to come

Read also

Brenda Mage, pansamantalang iiwan ang showbiz: "Makakauwi na ko ng Probinsya"

This is heartbreaking to watch You can see herlene being affected by the comments that at the end of the video she can barely smile. How can people say these awful things to a person, regardless whether they're a celebrity or not? Grabe.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Naging laman ng mga balita ang kontrobersiyal na sagutan nila ng Miss Universe Manila na si Alexandra Abdon sa Wowowin. Gayunpaman, nagkaayos silang dalawa at nagkapatawaran na.

Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos.

Kamakailan ay ibinahagi ni Herlene na kagaya ni Madam Inutz ay napagpasyahan niyang magpa-manage kay Wilbert Tolentino. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ni Wilbert lalo na sa pag-ayos ng kanyang bangko para sa kanyang sahod sa YouTube.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel