Brenda Mage, pansamantalang iiwan ang showbiz: "Makakauwi na ko ng Probinsya"

Brenda Mage, pansamantalang iiwan ang showbiz: "Makakauwi na ko ng Probinsya"

- Pansamantalang iiwan muna ni Brenda Mage ang showbiz makalipas ang 15 taon

- Nagdesisyon si Brenda na umuwi na muna ng probinsya upang bigyang pansin naman ang kanyang mga mahal sa buhay

- Aniya, natupad naman na ang kanyang mga pangarap sa showbiz at nagkaroon siya ng sapat na ipon

- Ipinigagawa rin niya ang kanilang tahanan doon kasama ng kanyang pamilya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mukhang matatagalan bago makabalik muli sa showbiz si Brenda Mage matapos na magdesisyon itong iwan ito pangsamantala upang makapiling ang mga mahal sa buhay sa probinsya.

Brenda Mage, pansamantalang iwan ang showbiz; "Makakauwi na ko ng Probinsya"
Brenda Mage, pansamantalang iwan ang showbiz; "Makakauwi na ko ng Probinsya" (Photofrom Brenda Mage)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa kanyang Facebook post, pansamantalang namaalam si Brenda sa mundo ng showbiz kung saan siya nakipagsapalaran mula pa noong 2007.

Aniya, medyo natupad naman na umano ang kanyang mga pangarap sa nasabing industriya kaya naman ang pamilya naman niya ang siyang prayoridad niya sa ngayon.

Read also

Ogie Diaz, sasagutin ang bayarin sa paaralan ng anak ng komedyanteng si Dagul

"Yung makaharap si Ms Kris Aquino yun lang ata ang pangarap ko na Hindi natupad waaah," kwento ni Brenda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Katunayan, kabi-kabilang projects na rin ang tinanggihan ni Brenda matapos ang desisyong ito.

"Goodbye City life… Back to Province life. Thank you for all the Memories and to all my Friends kayo nalang punta sa amin pag nakaluwag luwag sagot ko na charot"

Pinasalamatan din niya ang mga supporters na hiling niya'y suportahan pa rin siya lalo na at tila pagba-vlog nalang muna rin ang iintindihin ni Brenda sa pagbabalik niya sa probinsya.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates.

Read also

Mariel Padilla, nawindang sa kapayatan nya matapos mapanood ang lumang videos nya

Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantaha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Naging kontrobersyal ang pagiging housemate niya roon dahil sa mga isyung kinasangkutan niya tulad ng closeness niya kay Eian Rances at ang umano'y mga nasasabi niya sa likod ni Alexa Ilacad.

Dahil din sa mga pangyayaring ito, nabansagan siyang Marites sa bahay ni Kuya kasama ang isa pang housemate na malapit sa kanya na si Madam Inutz. Gayunpaman, naayos naman nila ang lahat ng ito nang makalabas sila ng bahay ni Kuya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel