Mariel Padilla, nawindang sa kapayatan nya matapos mapanood ang lumang videos

Mariel Padilla, nawindang sa kapayatan nya matapos mapanood ang lumang videos

- Sa kanyang bagong YouTube video, binahagi ni Mariel Padilla ang kanyang reaksiyon sa kanyang mga lumang videos

- Mismong team niya umano ang naghanap at kumalap ng mga lumang videos niyang ito sa internet

- Kinawindang ni Mariel kung gaano siya kapayat noong dalaga pa lamang siya at bago pa lang sa showbiz

- Matatandaang naging goal ni Mariel ang magbawas ng timbang matapos niyang ipanganak ang bunsong anak at natapos sa kanyang pag-breast feed

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila hindi makapaniwala si Mariel Padilla nang muling mapanuod ang kanyang mga lumang videos. Ito ay dahil sa kanyang kapayatan noong bago pa lamang siya sa showbiz at dalaga pa siya.

Mariel Padilla, nawindang sa kapayatan nya matapos mapanood ang lumang videos nya
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Napatakip pa ito ng bibig matapos niyang makita kung gaano siya kapayat noon. Biro niya, ang mga pagkaing hindi niya kinakain noon ay kinakain niya na ngayon. Maging ang kanilang naging sabunutan ng kanyang ate ay muli niyang nakwento nang mapanood ang panayam nilang magkapatid.

Read also

Buboy Villar, nalungkot sa pagkakawalay sa kanyang bunsong anak

NAKAKALOKA!!! SO I decided to take a stroll down memory lane for a good old #FlashbackFriday and so many memories came flooding in! From my lantaran ng childhood sabunutan with Ate to lambingan namin ni Robin before we were married! Hahahaha! I hope ma-enjoy niyo ‘to as much as I did filming this.

Narito ang ilan sa mga komento ng viewers niya:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakakatuwa ka talaga mam mariel talaga is the first pretty yet sintunado singer na naalala ko before pa kay anne curtis dati and yung hairstyles nya dati trending samin ng friends ko yun lalo na yung headband with a ribbon iba iba color, Pambansang kikay ka namin
Natawa ako sa suot may explanation.napansin ko nga sabi ko parang di masyado kikay haha may reason pala why lol

Read also

Kris Aquino, tapos na sa kanyang ikalawang dose ng XOLAIR infusion

Payat ka noon Miss Mariel pero honestly mas maganda at blooming ka ngayon.

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel