Buboy Villar, nalungkot sa pagkakawalay sa kanyang bunsong anak

Buboy Villar, nalungkot sa pagkakawalay sa kanyang bunsong anak

- Sa ikalawang pagkakataon ay dinanas ni Buboy Villar ang mawalay sa kanyang anak

- Nauna nang dinala sa Amerika ang kanyang panganay na anak kaya hindi na bago sa kanya ang pakiramdam nang ihatid niya ang kanyang bunso

- Gayunpaman, aminado siyang nalulungkot siya pero kakayanin niya raw ito para sa ikabubuti ng buhay ng mga anak

- Dinala sa Amerika ang mga anak nila ni Angillyn Gorens para sa kanilang citizenship sa tulong na rin ng mga magulang ni Angillyn

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi parin napigilan ni Buboy Villar na malungkot matapos niya ihatid sa airport ang kanyang bunsong anak na si George Michael. Gayunpaman, aniya ay kakayanin niya ito para sa ikakaganda ng buhay ng mga anak.

Buboy Villar, nalungkot sa pagkakawalay sa kanyang bunsong anak
Buboy Villar (@buboyvillar)
Source: Instagram

Sa kanyang pinakabagong YouTube video, pinakita ni Buboy Villar ang kanyang paghatid sa bunsong anak. Aniya, isang buwan lang naman mamalagi doon ang anak. Kailangan umano siya doon para sa appearance niya dahil isa itong US citizen.

Read also

VP Leni sa mga fake news: "Yung bagong version, May anak daw ako sa unang asawa"

Nang pauwi na siya ay doon niya umano naramdaman ang bigat ng kanyang kalooban. Maging ang nag-aalaga kay George ay naiyak sa pagkawalay sa kanya ng bata.

Kasalukuyang nasa Amerika si Angillyn, ang ina ng mga anak ni Buboy. Noong nakaraang taon lamang ay bumuhos ang luha ni Buboy nang ihatid niya ang panganay na si Vlanz upang maunang ihatid sa Amerika.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng kanyang mga viewers:

I thought I wouldn't be so emotional watching this since I knew beforehand, from Scarlet's vlog, that George had left, but my tears flowed just the same even though I knew what was going to happen. Kaya mo 'yan, Buboy!
I'm glad that, as you say, it'll only be for about a month and also happy that Vlanz and Angilyn get to see George too.

Read also

Donnalyn Bartolome, pinakita ang panggugulo ng isa sa nabunot para manalo ng house and lot

Tibay mu lods. Balang araw magkikita din kayu uli. Tibay lng ng puso at isipan. I feel u lodi. Masakit yaan. Pero saglit lang yan

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008.

Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017.

Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Nitong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel