Donnalyn Bartolome, pinakita ang panggugulo ng isa sa nabunot para manalo ng house and lot

Donnalyn Bartolome, pinakita ang panggugulo ng isa sa nabunot para manalo ng house and lot

- Sa kanyang pinakahuling YouTube video, pinakita na sa wakas ni Donnalyn Bartolome ang mga taong kanyang napili para sa house and lot giveaway niya

- Pumili siya ng limang mga nakasama sa shorlist para mula doon ay bubunutin niya ang mananalo ng bahay

- Gayunpaman, para naman matuwa ang iba pang kasali, napagpasyahan niyang mamigay na lamang ng 50,000 para sa mga hindi mapipili

- Nagkaroon ng kaguluhan dahil isa sa mga napili ay nanggulo dahil sa akusasyong may daya ang pagpili ng panalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pumili ng limang pamilya si Donnalyn Bartolome para pagpipilian niya para manalo ng house and lot na kanyang giveaway. Para naman matuwa ang iba pang kasali, napagpasyahan niyang mamigay na lamang ng 50,000 para sa mga hindi mapipili.

Donnalyn Bartolome, pinakita ang panggugulo ng isa sa nabunot para manalo ng house and lot
Photo from Donnalyn Bartolome (@donna)
Source: Instagram

Naging stressful umano ang kanilang pagpili matapos manggulo ng isa sa mga nakasama sa mga pamilyang shortlisted. Sa pinakitang video ni Donnalyn, makikita ang tila sagutan nila ng lalaki at nagpatawag pa ng security si Donnalyn.

Read also

Leni-Kiko People's Rally sa Bacolod, pumalo sa 70,000 ang mga dumalo

Aniya, ilalabas nila ang ibedensiya na walang katotohanan ang akusasyong may dayaang nangyari sa kanyang house and lot giveaway. Hindi pa rin niya naipakita ang kinalabasan ng kanyang pagpili mula sa pagbunot niya ng pangalan mula sa limang pamilyang kanyang napili.

Narito ang komento ng ilang netizxens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakakalungkot man pero congrats sa nanalo ng house and lot at sa mga nakatanggap ng consolation prize. Godbless you Ms.Donna thank you for helping us back ♥️♥️ I hope your okay, swerte ng nakakuha ng bahay nag sleepover kayo meaning sswertehin sila.
Grabe nmn hnd na lang maging thankful at naging shortlisted cla at may extra gift pa if hnd napili.
Grabe naman dapat thankful Tayo sa lahat nang bagay maliit man o Malaki sana naman marunong tayong makuntento

Read also

Military reserves sa Ukraine, nagawang magpakasal sa gitna ng kaguluhan

Bago ang kanyang pag-anunsiyo ng panalo, nag-sleepover muna si Donnalyn sa nasabing bahay kasama ang ilan pa niyang mga kaibigan.

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Sa kabila naman dumaraming mga request ng fans noon, sinabi ni Donna kung bakit hindi sila pwedeng mag- "Jowa Challenge" ni Hashim Alawi.

Kamakailan ay ibinahagi ni Donnalyn ang dahilan kung bakit hindi madali para sa kanya ang mag move-on sa kanyang ex-boyfriend.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel