Herlene Budol, diretsahang inamin na asar siya dati kay Pastillas Girl

Herlene Budol, diretsahang inamin na asar siya dati kay Pastillas Girl

- Sa kanyang bagong vlog kung saan nakasama niya si Angelica Yap o mas kilala sa bansag na Patillas Girl, hindi pinagkaila ni Herlene Budol na hindi niya ito gusto dati

- Aniya, asar siya noon kay Pastillas Girl dahil fan na fan siya ng tambalang AlDub sa Eat Bulaga

- Si Patillas Girl ay nakilala noon sa It's Showtime na katapat ng Eat Bulaga kung saan naman napanood sina Maine Mendoza at Alden Richards

- Sa bagong vlog episode ni Herlene, nagbasa at nag-react sila ni Pastillas sa mga negative comments sa kanila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Diretsahang inamin ni Herlene Budol na asar siya noon kay Angelica Yap na mas kilala bilang si Pastillas Girl. Ito ay dahil fan na fan umano siya ng tambalang AlDub na binubuo nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Read also

Herlene Budol, pinabulaanan ang malisyosong espikulasyon kay Willie Revillame

Herlene Budol, diretsahang inamin na asar siya dati kay Pastillas Girl
Herlene 'Hipon' Budol (@herelene_budol)
Source: Instagram

Kwento ni Herlene, ginagaya niya noon si Maine dahil sobrang idol niya ito at naasar siyang marinig na pinag-uusapan ng kaklase niya si Pastillas Girl.

Si Pastillas ang ipinantapat ng It's Showtime sa talaga namang sikat na sikat noon na Tambalang AlDub. Sa bagong vlog episode ni Herlene, nagbasa at nag-react sila ni Pastillas sa mga negative comments sa kanila.

Narito ang komento ng ilan sa kanyang viewers:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sobrang nakakatawa kayo ❤️❤️ bagay kayo mag sama sa vlog god bless you hipon and pastillas girl.
Nakakatuwa talaga kaung dalawa mag collab sana may next pa po angelica and harlene your both beautiful and smart
I really like herlene. Nagpapakatotoo lang talaga siya at good vibes ewan ko kung bakit andaming toxic na tao. Pag inggit pikit!

Read also

Kris Aquino, present sa 'Tarlac is Pink' Campaign rally sa kabila ng karamdaman

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Naging laman ng mga balita ang kontrobersiyal na sagutan nila ng Miss Universe Manila na si Alexandra Abdon sa Wowowin. Gayunpaman, nagkaayos silang dalawa at nagkapatawaran na.

Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos.

Kamakailan ay ibinahagi ni Herlene na kagaya ni Madam Inutz ay napagpasyahan niyang magpa-manage kay Wilbert Tolentino. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ni Wilbert lalo na sa pag-ayos ng kanyang bangko para sa kanyang sahod sa YouTube.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel