BF na nag-bike mula QC hanggang Bicol makasama lang ang mag-ina, sinurpresa ng RTIA

BF na nag-bike mula QC hanggang Bicol makasama lang ang mag-ina, sinurpresa ng RTIA

- Sinurpresa ng Raffy Tulfo in Action ang lalaking nagbisikleta mula Quezon City hanggang Bicol para lang makasama ang kanyang mag-ina

- Unang inireklamo ng babae ang nobyo sa pagiging iresponsable umano nito kaya't umuwi na lamang silang mag-ina sa Bicol

- Sumunod naman ang lalake na hindi nakatiis na hindi makapiling ang nobya at kanilang anak

- Bukod sa tulong na ibinigay ng RTIA, binigyan pa nila ito ng simpleng 'date'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinurpresa ng Raffy Tulfo in Action (RTIA) ang magkasintahang sina Rosalinda Talan at Vince Clyde Sanchez.

BF na nag-bike mula QC hanggang Bicol makasama lang ang mag-ina, sinurpresa ng RTIA
Sina Rosalinda Talan at Clyde Sanchez (Photo: Raffy Tulfo in Action)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na unang dumulog sa programa si Rosalinda dahil sa umano'y pagkakalulong ni Vince sa online games, dahilan umano para mapabayaan na sila ng kanilang anak.

Sa unang bahagi ng RTIA, napag-ayos naman na sila ni Tulfo. Subalit hindi na nakatiis pa si Vince kaya matiyagang nag-pedal gamit ang kanyang bisikleta mula Quezon City patungong Bicol kung saan naroon ang kanyang mag-ina.

Read also

Robi Domingo, may hamon sa mga content creators matapos ang viral PBB teens episode

Doon na nadatnan ng reporter ng RTIA ang magkasintahan na maayos na muling nagsasama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nangako na rin ang lalake na magiging responsable lalo na para sa kanilang baby girl.

Bukod sa tulong programa sa magkasintahang nagsisimulang ayusin ang kanilang pamilya, sinurpresa rin nila ito ng simpleng date lalo na at ginanap ito malapit sa Araw ng mga Puso ngayong taon.

Narito ang kabuuan ng kanilang video mula sa YouTube channel na Raffy Tulfo in Action:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTube Star sa bansa kung saan may mahigit 23 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Read also

Mga pulis sa viral video na umano'y tumangay sa Php14k ng vendor, sibak na sa pwesto

Kamakailan, natulungan din ng programa ni Tulfo ang nag-viral na vendor na si Eddie Yuson na umano'y napag-tulungan ng mga pulis na kuhain ang kinitang Php14,000.

Nasapul ito sa CCTV at makikitang sinaktan din umano ng mga pulis ang vendor. Nasibak na sa pwesto ang mga salarin.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel