Rosmar Tan, iginiit na hindi siya nagparetoke dahil takot umano siya

Rosmar Tan, iginiit na hindi siya nagparetoke dahil takot umano siya

- Sinabi ni Rosmar Tan na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya

- Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista

- Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke

- Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natawa na lang si Rosmar Tan sa mga akusasyong nagparetoke umano siya. Sa isang live video ay diretsahan niyang sinabi na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya.

Rosmar Tan, iginiit na hindi siya nagparetoke dahil takot umano siya
Rosmar Tan, iginiit na hindi siya nagparetoke dahil takot umano siya (@rosmartan)
Source: Instagram

Ginalaw-galaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Gayunpaman, inamin niyang sinubukan niya ang non-surgical enhancement na kung saan may tinuturok sa ilong.

Read also

Rosmar Tan, ibinida din ang kanyang version ng "before and after" pictures

Aniya, isang taon lamang ang bisa niyon at bumalik na umano ang kanyang ilong kung ikukumpara ito noong nagpaturok siya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang sa post ni Rosmar, binahagi niya rin ang kanyang version ng "before and after" pictures bilang patunay sa pagiging epektibo ng kanyang binibentang produkto. Sinagot niya rin ang mga akusasyong nagparetoke siya at iginiit na produkto lamang niya ang ginagamit niya kaya ganun ang resulta sa kanya.

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang nag-viral si Rosemar dahil sa kanyang ipon challenge noong 2017. Kamakailan ay binahagi niya ang tungkol sa fake booking sa mga pagkain na pinadala sa kanyang address kaya binayaran na lamang nila ng kanyang karelasyon.

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pang-bu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pang-bu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel