Bernadette Sembrano sa pangangalakal na ginagawa ng mister; "I like doing it"

Bernadette Sembrano sa pangangalakal na ginagawa ng mister; "I like doing it"

- Ibinahagi ni Bernadette Sembrano na nangangalakal din ang kanyang mister

- Suportado niya ang gawaing ito na aniya'y dahilan ng pagiging humble nilang mag-asawa

- Isa rin kasi umanong paraan para makatulong sa kalikasan kaya naman maging siya ay ginagawa na rin ito

- Aniya, gusto naman niya ang kanyang ginagawa lalo na at ipinauunawa ng kanyang mister kung bakit nila ito ginagawa sa kabila ng ilang mga panghuhusgang natatanggap nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Bernadette Sembrano sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz na nangangalakal ang kanyang mister na si Orange Aguinaldo

Bernadette Sembrano sa pangangalakal na ginagawa ng mister; "I Like doing it"
Bernadette Sembrano (@iambernadettesembrano)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na bilang pagsuporta sa kanyang mister, maging siya ay ginagawa na rin ito.

"San ka nakakita ng news anchor na nagpupulot ng basura? Ako lang gumagawa 'non"
"Siguro 'pag makikita ng iba, ano ba yun? Nakakahiya, ang cheap-cheap naman. But in essence, other people are doing it... It's something that we should be doing. Dapat nating siyang ginagawa if we care for our environment"

Read also

Bernadette Sembrano, sa asawang 'nangangalakal'; "napagkakamalan siyang janitor"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Bernadette, ipinauunawa sa kanya ng mister ang kahalagahan ng gawaing ito na para sa iba ay pawang pagbabasura lamang.

"Wag mong nila-lang ang Php1000. yung pangangalakal also keeps me humble," pagbabahagi ni Bernadette na siyang natutunan din niya sa kanyang asawa na dating isang government employee.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento mula sa Ogie Diaz Inspires Channel:

Si Ogie Diaz o 'Roger Diaz Pandaan' sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at kilalang showbiz reporter.

Pinakakaabangan ng maraming netizens ang mga video sa kanyang mga YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates".

Samantala, isa si Bernadette Sembrano-Aguinaldo sa respetadong news anchor sa bansa. Una siyang naglingkod at napanood sa The Probe Team ng GMA gayundin ng programa nilang 'Wish ko lang'.

Read also

Kris Bernal, masayang natupad ang kanyang dream collab kay Alex Gonzaga

Sa ngayon, bukod sa pagiging bahagi ng TV Patrol, abala rin siya sa kanyang YouTube channel na 'B Happy' kung saan pawang mga inspiring stories ng kilalang personalidad sa bansa ang kanyang naibabahagi.

Sa pinakabago niyang vlog, nakapanayam niya ang ex-PPB housemate at ngayo'y kilalang host ng ABS-CBN na si Robi Domingo kung saan nasabi nito ang planong engagement sa girlfriend na naganap nga sa Japan kamakailan lamang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel