Bernadette Sembrano, sa asawang 'nangangalakal'; "napagkakamalan siyang janitor"

Bernadette Sembrano, sa asawang 'nangangalakal'; "napagkakamalan siyang janitor"

- Ibinahagi ni Bernadette Sembrano ang isa sa mga ginagawa ng kanyang mister, ang pangangalakal

- Mayroon umano silang junk shop sa Cavite at masasabi niyang mahusay na mag-segregate ang mister

- Maliban sa kinikita sa pangangalakal, isang rason nila kung bakit ginagawa ito ay para makatulong sa kalikasan

- Minsan pa umanong napagkamalang janitor ang kanyang asawa dahil sa gawaing ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Bernadette Sembrano ang ginagawang pangangalakal ng kanyang mister na si Orange Aguinaldo.

Bernadette Sembrano, sa asawang 'nangangalakal'; "napagkakamalan siyang janitor"
Bernadette Sembrano (Ogie Diaz YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga naibahagi niya sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.

Ayon kay Bernadette, hanga siya sa mister sa husay nitong mag-segregate ng mga basura na mas gusto nilang tawaging 'kalakal'. Naniniwala raw talaga silang mayroong pera sa basura.

Nasabi niyang mayroon din silang junk shop o 'kalakal warehouse'sa Cavite kung saan makikitang maayos na naisasalansan ng kanyang mister mismo ang kanilang nakakalakal.

Read also

Bernadette Sembrano sa pangangalakal na ginagawa ng mister; "I like doing it"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil sa gawaing ito ni Orange, minsan pa raw itong napagkamalang janitor.

"Kasi at that time nasa public office siya. Tapos may dala-dala siyang kalakal. At sabi sa'kin ni asawa, 'it keeps me humble.'" pagbabalik-tanaw ni Bernadette.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Bernadette na mapapanood sa Ogie Diaz Inspires Channel:

Si Ogie Diaz o 'Roger Diaz Pandaan' sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at kilalang showbiz reporter.

Pinakakaabangan ng maraming netizens ang mga video sa kanyang mga YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates".

Bago si Bernadette, naging kontrobersyal din ang panayam ni Ogie Diaz kay Maine Mendoza. Nabanggit kasi ni Maine ang umano'y hindi pa rin namamatay na kontrobersiya nila ni Alden kung saan naniniwala pa rin ang kanilang fans na sila ay kasal na at mayroon pang anak. Wala umano itong katotohanan lalo na at engaged na ngayon si Maine kay Arjo Atayde.

Read also

Kris Bernal, masayang natupad ang kanyang dream collab kay Alex Gonzaga

Matapos nga ang panayam na iyon, lumabas ang video na kuha umano sa pagtitipon ng 'AlDub' fans. Makikita kung gaano pahalagahan ng fans ang tambalang 'AlDub' na nabuo sa programang Eat Bulaga noong pang taong 2015. Tinawag nila itong 'KalyeSerye' na tumatak talaga sa marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel