Cristy Fermin, nababahala sa nadadalas na 'fake news' ukol sa buhay ni Mike Enriquez

Cristy Fermin, nababahala sa nadadalas na 'fake news' ukol sa buhay ni Mike Enriquez

- Nababahala umano sina Cristy Fermin ng Showbiz Now Na! sa nadadalas na fake news na pumanw na umano si G. Mike Enriquez

- Aniya, ilang beses nang napabalitang pumanaw na ang batikang news snchor sa GMA7

- Hindi raw ito magandang biro ani Cirsty lalo na kung may mga mahal sa buhay si mahina ang puso

- Maging si Cristy ay nabiktima rin umano ng fake news kung saan kumalat na siya ay sumakabilang buhay na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminadong nababahala umano sina Cristy Fermin ng Showbiz Now Na! sa mga nadadalas na kumakalat na fake news kung saan sinasabing sumakabilang buhay na si Mike Enriquez.

Cristy Fermin, nababahala sa nadadalas na 'fake news' ukol sa buhay ni Mike Enriquez
Mike Enriquez (@24oras)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa ito sa tinalakay nila sa SSN na naisa-ere ngayong Nobyembre 14.

Tila nadadalas na na umano na maging content ng mga vlogs o maging ng mga babasahin na pawang fake news ang nilalaman.

Read also

Cristy, nakausap si Alden ukol sa 'kasal at anak' isyu ng Aldub; "wala pong katotohanan"

Ani Cristy, nararapat lamang na itigil na ito ng kung sinuman ang nasisikmurang magpamalita ng kamatayan ng taong napakalakas pa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Buti na lang kamo ang Arnold Clavio, naglabas ng pahayag na hindi po totoo, pinatay na naman po siya ng fake news.

"Paano na lang yung mga tao po na nagmamahal kay Ginoong Mike Enriquez na medyo may kahinaan ang puso," ani Cristy

Paalala niya, walang sinuman ang nakakaalam ng kanilang Takdang oras

"Sana lang po iwasan natin ang ganito dahil wala pong karapatan sa atin ang sinomang humusga kung hanggang kailan na lamang ang itatagal natin sa mundo. Kung sino po ang nagbigay, siya lamang po ang may karapatang bumawi. Tanging ang Diyos lamang po ang nakakaalam kung hanggang kailan siya"

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Read also

RR, naikwentong minsan na siyang na-expel sa paaralan; "May sinagot-sagot akong teacher"

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa kanila ngang YouTube channel napag-usapan ang hindi umano pagsasalita ni Alden sa nabuhay nilang isyu ni Maine. Ngunit dahil na rin sa pagiging marespeto ni Alden, agad itong nakipag-ugnayan kay Cristy upang magbigay pahayag.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel