Cristy Fermin, minsan nang sinabihan na nasa isang isla ang umano'y anak ng AlDub

Cristy Fermin, minsan nang sinabihan na nasa isang isla ang umano'y anak ng AlDub

- Hindi malilimutan ni Cristy Fermin ang isyu noon na may anak na umano sina Alden Richards at Maine Mendoza

- Kamakailan ay nabuhay na naman ang isyu na ito matapos ang panayam ni Ogie Diaz kay Maine

- Mayroon umanong nag-contact kay Cristy at pinapupunta siya sa isang isla kung saan naroon ang sinasabing anak ng 'AlDub'

- Maging ang ama ni Alden Richards ay minsan nang pinabulaanan ang isyu na ito at sinabing walang batang lalake sa kanilang bahay tulad ng inaakala ng ilang fans

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Cristy Fermin ang minsan nang kumontak sa kanya patungkol sa umano'y anak nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Cristy Fermin, minsan nang sinabihan na nasa isang isla ang anak nina Maine at Alden
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na may nagsabi pa umano kay Cristy na nasa isla ang anak ng 'AlDub'

"May nagtext sakin 'di ba on air? Pinapupunta po ako sa isang isla sa bandang Quezon. Sumakay daw po ako ng bangka dalawang oras, Doon daw po yung anak ni Maine at Alden na nasa tatalong taong gulang na raw noong paligad hindi"

Read also

RR sa umano'y 'di pagbati ni Andi sa inang si Jaclyn; "Nakaka-sad siya para sa isang magulang"

Nabuhay muli ang isyu na ito matapos ang interview ni Ogie Diaz kay Maine Mendoza. Sinamantala kasi ni Maine ang pagkakataon sa interview para bigyang diin niya na wala silang naging anak ng 'on-sceen partner niyang si Alden.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang naikwento pa ni Maine na kahit na siya mismo ang kumakausap sa mga fans na inaakalang may anak sila ni Alden, hindi raw naniniwala ang ilan sa mga ito.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa loob lamang ng ilang buwan, natanggap na ni Cristy ang kanyang silver play button sa YouTube sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subscribers na ngayo'y may bilang na 278,000 subscribers.

Read also

Bernadette Sembrano sa pangangalakal na ginagawa ng mister; "I like doing it"

Isa nga sa natalakay kamakailan sa YouTube channel ni Cristy ay ang umano'y pagkawala ng Wowowin sa ALLTV. Aniya, hindi pa rin niya nakakausap si Willie Revillame.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel